AMIN ANG GOLD — ANIMAM

(NI DENNIS IÑIGO)

HOMECOURT advantage ang siyang magiging matibay na pader na sasandalan ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games women’s basketball competition.

Kumpiyansa ang Filipinas na mapapasakamay na nila ang gold medal ngayong 30th SEA Games.
Nakadidismayang fourth-place finish lang ang naabot ng Filipinas sa 2017 SEAG edition sa Kuala Lumpur.

“Sobrang excited na po ang buong team, especially dito sa atin gaganapin ang laban. Pinaghandaan talaga namin itong SEA Games,” saad ni team captain Jack Animam sa 50th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club kahapon.

“Personally, I’m confident we can get the gold medal this time,” giit ni Animam, ang matagal nang “Poster Girl” ng women’s basketball sa bansa.

Sinabi ni Animam, mainstay din ng six-time UAAP champion National University, lalaro siya sa women’s 3×3 competition sa  Disyembre 1-2 sa FilOil Flying V Center at women’s 5×5 sa Disyemre 5 sa Mall of Asia Arena.

“Hindi kahalintulad sa FIBA-Asia na talagang malalaki ang mga kalaban, pantay-pantay kami dito sa SEA Games. Talagang makikipagsabayan kami ngayon sa Malaysia, Indonesia and Thailand,” paliwanag niya sa sportswriters sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Ayon kay Animam,  ibinigay sa kanya ang green light na maglaro sa SEA Games ng kanyang mga doktor matapos ang eye injury sa isang laro laban sa South Korea sa nakaraang pre-Olympics qualifying tournament sa New Zeaand noong Nobyembre 16.

“But OK  naman na po ako. Pati sa vision ko, wala nang problema. Wala naman nagbago. Pwede na uli maglaro as long as I wear a mask,” paliwanag niya.

“Yun game against Korea in New Zealand, sobrang nabagsakan ako ng siko sa mukha. After the CT scan, nakita may hangin sa loob ng eye socket ko due to the fracture. Hindi ako nakasama sa team pag-uwi. I stayed for 10 more days  in New Zealand para mag-subside yun hangin dahil baka daw mag-pop out yung mata ko,” pagbabahagi pa ni Animam.

Makakasama ni Animam sa 3×3 team sina Afril Bernardino, Janine Pontejos at Clare Castro.
Sa 12-player line-up naman ay makakasama niya sina Kelli Hayes, Ria Nabalan, Gemma Miranda, Chack Cabinbin, Danica Jose, Khate Castillo, Eunique Chan, at Andrea Tongco.
Sinabi ni Animam na masaya siya at marami nang nakakakaalam sa achievements ng women’s basketball lalo sa Pilipinas.

“Mahal namin ang basketball kaya masaya kami na napapansin na ngayon ang women’s basketball. We just do what we are doing para mas lalong mapansin kami,” ayon pa kay Animam, na aminadong nagimprub siya dahil sa NU record 96-game winning streak sa UAAP.

270

Related posts

Leave a Comment