ANDRAY BLATCHE: MAY MISYON PA SA PILIPINAS

Andray Blatche-2

NATAPOS man ang Gilas Pilipinas stint niya, patuloy pa ring maglalaro para sa bansa si naturalized Filipino Andray Blatche, sa pagkakataong ito ay para naman sa Mighty Sports.

Naniniwala si Mighty Sports owner Alex Wongchuking at coach Charles Tiu na malaki ang maitutulong ni Blatche para makuha ng team ang titulo sa Dubai International Basketball Tournament.

Ngunit amindo rin sila na kailangang magbawas ng timbang ni Blatche bago umalis ang koponan papuntang Dubai sa Enero 21.

“We know how good a player he is, but he needs to be in excellent form because we will be again facing formidable teams from Lebanon and Middle East,” wika ni Tiu, siya ring mastermind sa Jone’s Cup title sweep ng team noong nakaraang taon sa Taiwan.

Determinado ang Mighty Sports na mahigitan ang third place-finish nito sa 2019 Dubai tourney. “With a good mix of young and veteran players in the team we are hoping we can at least finish in the top four,” ayon kay Wongchuking.

Samantala, bagama’t  hindi nakasama  sa training ng 16-man team ang 7-foot-2 Kai Sotto, tiniyak nina Wongchuking at Tiu na darating ito sa capital city ng United Arab Emirates sa Enero 21 para tulungan ang Mighty Sports.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasanay sa The Skill Factory sa US ang 17-anyos na si Sotto at optimistiko si Tiu na hindi magiging problema ang “chemistry” niya sa kanyang teammates sa kanilang pagsabak sa 9-day Dubai tourney na magsisimula sa Enero 23.

Iginiit pa ng Mighty Sports coach na malaki ang tsansa ng team lalo’t makakasama rin nila sina Renaldo Balkman at McKenzie Moore bilang imports, at ilang collegiate standous gaya nina Ateneo’s Thirdy Ravena at UP’s Juan Gomez De Liano.

Kabilang pa sa team sina Joseph Yeo, Rain or Shine’s Beau Belga, Joaqui Manuel, Gab Banal, Jarell Lim, Dave Ildefonso, Juan Gomez De Liano, Jamie Malonzo, Mikey Williams at Jelan Kendrick.

128

Related posts

Leave a Comment