ATHLETICS: OBIENA LULUNDAG SA ASIAN INDOOR

PANGUNGUNAHAN ni 2020 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” ­Obiena ang 11-member Philippine national athletics sa Asian Indoor Championships sa Astana, Kazakhstan sa Pebrero 10 hanggang 12, 2023.

Ayon kay Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) secretary general Eduard Kho, naging basehan sa pagpili ng mga atletang bibiyahe sa Kazakhstan ang mga malaki ang tsansang mag-uwi ng medalya.

Natuwa naman si Kho sa pagboboluntaryo ni Obiena sa torneo. “He conveyed his intention to play in Asian Indoor, but very challenging kasi pumunta sa Central Asia, lalo sa Ashtana dahil sa layover ng flight sa problema sa pagdala ng pole. But knowing EJ, nakakagawa siya ng paraan para makasali siya.”

BOWLING: 12-MEMBER PH TEAM
PASOK SA ASIAN TENPIN C’SHIPS

PAMUMUNUAN nina Krizziah Lyn Tabora-Macatula at Lara Posadas-Wong ang 12 atletang sasabak sa 26th Asian Tenpin Bowling Championships sa Enero 8-18, 2023 sa South China Athletic Association ­Bowling Center sa Hong Kong.

Aalis sa Enero 7 ang koponan nina Christian Dychangco, Ivan ­Dominic Malig, Patrick Neil Nuqui, Emerson Gotencio, Danielle ­Robert Evangelista, Jordan Matthew Dinham-Alcantara ng men’s; Tabora-Macatula, Posadas-Wong, Marian Lara Posadas-Rachelle Leon, Maria Lourdes Arles, Danielle Lazo at Jelena Grace Gella ng women’s; at mga coach na sina Jojo Canare, Biboy Rivera at Rey Reyes.

Sina Posadas-Wong, Gotencio, Dinham-Alcantara, Tabora-Macatula at Leon ay huling sumabak sa International Bowling Federation (IBF) World Cup sa Queensland, Australia noong nakaraang buwan.

Nakuha ni Tabora-Macatula ang 2017 Qubica AMF Bowling World Cup title at nag-silver medal sa team event kasama sina Posadas-Wong, Marie Alexis Sy at Maria Liza Del Rosario sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Ashgabat, Turkmenistan.

Si Posadas-Wong naman ay nagbulsa ng tatlong tansong medalya sa Southeast Asian Games — sa trio event with Sy at Arles sa Singapore noong 2015; team of five with Tabora, Arles, Sy, Del

Rosario at Dyan Arcel Coronacion sa Malaysia 2017; at team of four with Sy, Del Rosario at Bea Hernandez sa Manila 2019.

Wagi rin si Posadas-Wong sa Hong Kong leg ng Asian Bowling ­Federation Tour 2019 at Philippine International Open 2017.

Samantala sina Dychangco, Malig at Nuqui ay nagbulsa ng apat na gintong medalya kasama si Merwin Tan sa Vietnam Southeast Asian Games noong Mayo. (ANN ENCARNACION)

28

Related posts

Leave a Comment