BACK-TO-BACK WIN SA LAKERS

Ni VT ROMANO

MATAPOS ang 0-5 start, nahablot ng Los Angeles Lakers ang ikalawang sunod panalo, matapos ang 120-117 overtime win kontra New Orleans Pelicans, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila).

Humirit si Matt Ryan ng game-tying 3-pointer sa regulation buzzer, habang si Lonnie Walker naman ang bumato ng tampok na 3-pointer sa overtime para sa Lakers.

Naglista si Anthony Davis ng 20 points at may 16 rebounds para sa Lakers, itinapon ang 16-point lead at kamuntik pang matalo, bago nagmintis si Dyson Daniels sa kanyang dalawang free throws sa last 1.4 seconds ng regulation at nagbigay sa Lakers ng huling play.

Isang crosscourt pass ni Austin Reaves kay Ryan, undrafted newcomer na nailagay sa roster ng Lakers noong nakaraang buwan, at naghagis ng fallaway 3 sa harap mismo ng Lakers bench upang hatakin sa OT ang laro.

Si Ryan, nag-one-game NBA debut sa Boston noong nakaraang season, ay kasama sa rotation ­minutes ng Lakers bunga ng kanyang outside shooting stroke.

Ang 3-pointer ni Walker ang nagbigay ng buhay sa Lakers sa overtime.

Naibaba ng jumper ni C.J. McCollum sa tatlo ang lead ng ­Lakers sa huling 37 seconds, ngunit nagmintis naman siya sa panabla ­sanang tres, 6.7 seconds sa orasan at bigo ang Pelicans maka-foul bago tumunog ang buzzer.

May 20 points, 10 rebounds at eight assists naman si LeBron James para sa Lakers. Habang si Russell Westbrook, 13 points, nine assists at seven rebounds sa isa pa iyang solid game bilang reserve, bagamat bangko na siya sad ulo hanggang overtime.

Umiskor naman si Zion Williamson ng 27 points at si McCollum, 22 points, nine rebounds at eight assists para sa Pelicans (4-3).

SPURS NILAMPASO
NG RAPTORS

BINASTOS ng Toronto Raptors ang San Antonio sa teritoryo nito sa pamamagitan ng 143-100 panalo.

Ito ang pinakamasagwang home loss ng Spurs sa franchise history nito sa AT&T Center sa San Antonio, Texas.

May triple-double si Pascal Siakam, 22 points, 11 assists at 10 rebounds sa loob lamang ng 28 minuto para sa Raptors.

”I think we just played really hard,” lahad ni Toronto forward O.G. Anunoby. ”No matter what we see, we just try to go out there and play hard.”

Kulang sa tao ang San Antonio. Wala ang mga starter na sina Keldon Johnson at Devin Vassell at maging sina reserves Isaiah Roby at Blake Wesley. Kinailangan ding maupo ni forward Jeremy Sochan sa second quarter bunga ng ‘restricted minutes’ matapos ang one-game absence sanhi ng flu like symptoms.

Umiskor si Gary Trent, Jr., ng 24 points para sa Raptors, na hindi rin nakasama si All-Star guard Fred VanVleet.

Ang panalo ng Toronto ay season-high in points at season-high 23 turnovers (forced).

‘They are really good at that (defensive pressure),” wika naman ni Spurs forward Keita Bates-Diop.”

Si Bates-Diop ay nag-ambag ng 17 points at tanging Spurs starter na may double figures.

Matapos maghabol sa 11 puntos, naibaba ng Spurs ang lead ng Raptors sa 32-31 sa pagtatapos ng first quarter.

Nahawakan ng Spurs ang unang abante, 27 seconds sa second period buhat sa layup ni Jakob Poeltl. Subalit agad naagaw ng Toronto ang control, pinalobo sa 48 puntos ang kalamangan sa second half.

BUCKS PERPEKTO
PA RIN

NINE points at four rebounds agad ang naitala ni Giannis Antetokounmpo sa unang apat na minute ng laro sa pagitan ng Milwaukee at Detroit.

Sa simula pa lang, hikahos na ang Pistons dahil walang panapat sa Bucks.

Noong Lunes, halos pinabayaan ng Bucks ang Pistons makahabol mula sa 16-point deficit, pero kontra Detroit hindi na nangyari iyon.

Tinalo ng Bucks ang Pistons, 116-91 mula sa 32-point, 12-rebounds, five-steal output ni ­Antetokounmpo.

Habang si Jrue Holiday, nagbaon sa Pistons noong Lunes sa pamamagitan ng kanyang tres, ay nagsumite ng 26 points.

Si Cade Cunningham, naga-­average ng 27.8 points, 8.3 rebounds at 7.5 assists sa kanyang huling apat na laro bago nitong Miyerkoles, ay nahirapan sa aggressiveness ng Milwaukee, pati na sa depensa at tumapos na may 10 points, six rebounds at four assists buhat sa 5-for-13 shooting.

Nanguna sa Detroit si Saddiq Bey, 22 points, may double-double si Isaiah Stewart sa ikatlong gabing sunod, 16 points at 10 rebounds.

Dinomina ng Bucks ang Detroit sa second half, shooting 53.7% overall at 8-for-17 sa 3-point range, makaraang magtala lamang ng 2-of-21 3-point attempts sa first half.

Papasok sa second half, ­naghahabol ng siyam ang Pistons. Lumobo ang deficit hanggang 33 puntos sa fourth, nang mabigo ang Detroit buwagin ang depensa ng Bucks.

MAVS GUMANTI
SA JAZZ

NAITALA ni Luka Doncic ang ikapitong sunod niyang larong may 30 points, nang muling umiskor ng 33 points sa 103-100 panalo ng ­Mavericks kontra Utah Jazz, sa ­Dallas.

Nagdagdag si reserve Christian Wodd ng 17 ng kanyang 21 points sa second half.

Bukod sa 33 puntos, si Doncic ay mayroon ding 11 assists at na­ging ikatlong NBA player umiskor ng 30 (or more) sa unang pitong laro ng team ngayong season, una mula nang gawin ito ni Wilt Chamberlain noong 1962-63 at inulit noong 1959-60, gayundin ni Jack Twyman sa parehong season.

Hinabol ng Mavericks ang 15-point, third quarter deficit tungo sap ag-agaw sa lead, 86-84 mula sa 3-pointer ni Josh Green, 7:48 sa laro. Buhat dito, hindi na lumingon pa ang Dallas.

Nagsumite si Jordan Clarkson ng 22 points para sa Jazz, hindi nga lang pumasok ang kanyang tres buhat sa left corner sa buzzer.

Sa pagsisimula ng third, naitakbo ng Jazz ang 14 consecutive points at 64-49 lead, na tinapos ng 3-pointer ni Clarkson.

Gumanti ang Dallas, walong puntos ang kinamada sa third mula kay Wood at ibaba sa apat ang abante ng Utah, 78-74 papasok sa final period.

CELTICS NATAKASAN
NG CAVS

NAISAHAN ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics, nang itakas ang 114-113 overtime win tungo sa ikaanim sunod nitong panalo.

Si Darius Garland, nagbalik makalipas ang limang larong liban sanhi ng eye injury, ay nagtala ng 29 points para sa Cavaliers. Habang may ambag si Donovan Mitchell na 25 points.

May 12 assists din si Garland, kasama ang alley-oop kay Mitchell sa OT tungo sa 112-109 lead ng Cavs at angkinin ang ikalawang panalo sa Celtics.

Sa iba pang resulta: Tinalo ng Washington Wizards ang Philadelphia 76ers, 121-111. Wagi ang Atlanta Hawks sa New York Knicks, 112-99. Panalo ang Los Angeles Clippers sa Houston Rockets, 109-101. Nagtala naman ang ­Memphis Grizzlies ng 111-106 win sa Portland TrailBlazers. At ang Chicago Bulls wag isa Charlotte Hornets, 106-88.

22

Related posts

Leave a Comment