BENILDE BABANGGAIN NG LETRAN

NCAA Season 95 women’s volleyball tournament2

PIPILITIN ng Letran na malusutan ang unang mabigat na pagsubok kontra College of Saint Benilde sa pagpapatuloy ng aksyon ng 95th NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Alas-12:00 ng tanghali laro ng Lady Knights at Lady Blazers.

“Siyempre lahat ng teams gusto naman maging top four. From there, tingnan natin kung anong mangyayari. Ang importante, pina-practice namin kung anong gustong ipagawa sa mga bata,” pahayag ni coach Mike Inoferio.

Ang Letran, nagpamalas ng magandang kampanya sa PVL Collegite Conference noong 2019 ay nanaig kontra Emilio Aguinaldo College,  22-25, 25-10, 25-18, 25-13 noong Biyernes.

Ipinamalas ng Lady Knights ang pagbabago sa knilang service at blocking laban sa Lady Generals at iyon ang aabangan sa laban nila kontra Lady Blazers.

Kasunod naman ng 25-17, 14-25, 25-17, 25-20 opening season victory laban sa lst year’s runner-up University of Perpetual Help System Dalta, ang St. Benilde ay isinunod na biktima ang Lyceum of the Philippines University side, 23-25, 25-23, 23-25, 25-18, 15-7, para samahan ang four-peat seeking Arellano University sa ibabaw ng standings.

At kung muling magwawagi, ang St. Benilde ay magsosolo sa itaas.

Tatangkain naman ng Mapua at EAC na makapasok sa win column sa alas-2:00 ng hapong laban. (VT ROMANO)

174

Related posts

Leave a Comment