BEST PLAYER SI CASTRO, BEST IMPORT SI JONES

(VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

HINABLOT ng TNT KaTropa teammates na sina Jayson Castro at Terrence Jones ang dalawang individual awards ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi bago ang Game 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Si Castro ang waging Best Player of the Conference sa ikalimang pagkakataon, habang si Jones naman ang Best Import.

Tinalo ng 33-anyos na si Castro sa nasabing karangalan sina five-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel at rookies Ray Parks, CJ Perez at Robert Bolick.

Ito ang unang BPC award ni Castro sapul nang makuha ang tropeo noong 2016 Governor’s Cup.

Tinalo naman ni Jones sina Chris McCullough ng San Miguel at Justine Brownlee ng Brgy. Ginebra.

Sa laro kagabi, naitabla ng Beermen ang serye sa 2-2, matapos ang 106-101 win sa isa na namang mainitang laro.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Mierkoles para sa Game 5.

136

Related posts

Leave a Comment