BLACKWATER, NEXT TARGET NG GINEBRA

FOURTH straight win ang asam ng Barangay Ginebra sa pakikipagtipan sa Blackwater ngayong (Biyernes) hapon sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup eliminations.

Ganap alas-5:45 ng hapon magaganap ang tapatang Ginebra at Blackwater sa Araneta Coliseum. Bago ito, maghaharap muna ang NLEX at Terrafirma sa alas-3 ng hapon.

Nasa ikalimang puwesto ngayon ang Gin Kings na may 5-2 panalo-talong record, habang ang Bossing ay pangalawa sa huli sa kartadang 3-7, ngunit may pag-asa pa rin sa quarterfinals.

Target ng Ginebra makasama sa Top 4 at makakuha ng twice-to-beat advantage sa susunod na round.

Samantala, gusto rin makapasok sa quarterfinals ng Road Warriors (3-6) kaya’t kailangan din magwagi laban sa nasa laylayang Dyip, na tanging team sa Commissioner’s Cup na wala pang panalo. (ANN ENCARNACION)

41

Related posts

Leave a Comment