MGA LARO NGAYON:
(FILOIL FLYING V CENTRE)
2:00 P.M. – CSB VS JRU (MEN)
4:00 P.M. – SSC-R VS EAC (MEN)
(PHOTO BY MJ ROMERO)
PIPIGILAN ng College of Saint Benilde Blazers ang pagdurugo ng kanilang sugat mula sa magkasunod na kabiguan, sa pagharap sa hamon ng Jose Rizal University Heavy Bombersngayon sa pagpapatuloy ng aksyon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Hindi makakasama sa alas-2:00 ng hapong laro si coach TY Tang bunga ng suspension sa kanya.
Dapat sana’y naisilbi na kay Tang ang suspension noong Martes sa laro kontra Letran. Pero, hindi natuloy ang laro sanhi ng masamang panahon.
Laban sa Heavy Bombers ngayon, si first assistant coach Charles Tiu ang hahalili kay Tang.
Sa alas-4:00 ng hapong laro, tatangkain ng San Sebastian College ang ikatlong sunod na panalo laban sa Emilio Aguinaldo College Generals.
Matapos ang limang sunod na panalo sa pagsisimula ng season, ang St. Benilde ay yumuko sa kamay ng San Beda College at Lyceum of the Philippines University. Bukod dito, nawala pa sa lineup si Jimbo Pasturan dahil sa shoulder injury.
Hangad naman ng Heavy Bombers na tapusin ang tapusin ang first round nang lampas sa tatlo ang kanilang panalo.
Ang JRU ay katabla ng Mapua Cardinals, 3-5.
Matapos ang tatlong sunod na talo at ang pagkakasuspinde kay coach Egay Macaraya, balik ang Stags sa Final Four circle at nakabuntot ngayon sa fourth-running Knights (5-3).
Sa likod ng career-high 31 points ni Allyan Bulanadi, ang San Sebastian ay tinalo ang University of Perpetual Help Dalta Sysyem, 107-90 para sa 4-3 card.
Kumpiyansa naman ang Stags na tatalunin nila ang Generals, na may anim na sunod nang kabiguan, matapos talunin ang Lyceum.
108