BLU BOYS ANGAT SA WORLD RANKINGS

NAGPAKITANG-GILAS ang RP Blu Boys sa katatapos na Softball World Cup sa Auckland, New Zealand. Tumapos na pang-10 sa 12 bansang lumahok.

Umakyat din sa world rankings ang pambansang koponan mula No. 21, ngayo’y No. 10.

Sa kabila nito, inamin nina coach Rey Pagcaliwagan at Sid Abello, upang higit pang mapataas ang rankings at makatapos ng mas mataas na puwesto sa kompetisyon, higit pang exposure at suporta ang kailangan ng koponan.

“We’re very proud of our ­players,” pahayag nina coach Pagkaliwagan at Abello kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ayon sa dalawang coach, ­lowest-ranked team sa ­kompetisyon ang Blu Boys, pero, gumawa ng ‘good impression,’ at nasorpresa ang mga kalabang bansang may seasoned players dahil pawang mga bata pa ang miyembro ng Philippine team.

“Nagulat talaga sila na parang Under-23 team ang pinadala natin sa World Cup,” lahad ni Pagkaliwagan.

Dagdag niya: “Exposure and support talaga ang kailangan namin.”

“Kulang kasi talaga tayo sa ­exposure kaya sa Group A, first time natin naka-encounter ng ganu’n kabilis na bola at mga ­variation,” kwento ni Abello hinggil sa pitches ng kalaban na as fast as 132 kph.

“And sila kasi, sila-sila ang palaging magkalaban kaya sanay na sila sa mabilis na bola. Tayo sa Rizal Memorial lang ang training,” lahad ni Pagkaliwagan, na ayon sa kanya, ang pinakamabilis na pitch ng RP team ay 121 kph lang.

Kabilang sa koponan sina pitchers Marlon Pagkaliwagan, Leo Barredo, Reagan Parco, Julius Dela Cruz at Lyonas De Leon; catchers Melvin De Castro and Kenneth Torres; infielders Jerome Bacarisas, Michael Pagkaliwagan, Julius Diaz and Justin Jhon Rosales; and outfielders Denmark Bathan, Gerone Riparip, Francis Generoso, Mark Gaspi at Efril Mercado. (VT ROMANO)

32

Related posts

Leave a Comment