BOLICK, MALONZO GITGITAN SA BPC

Ni DENNIS INIGO

INAASAHANG lalong iinit ang kompetisyon sa pagitan ng ­dating teammates na sina ­Robert Bolick at Jamie Malonzo sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Maliban sa maghaharap sa quarterfinals ang Barangay Ginebra na kinaaaniban ni Malonzo at NorthPort ni Bolick, silang dalawa rin ang nangungunang kandidato para sa Best Player of the Conference.

Ayon sa inilabas na data ng liga, ang Batang Pier na si Bolick ang nangunguna ngayon sa BPC race na may 35.9 statistical points (SPs) at league-best 21.7 points per game sa pagtatapos ng elimination round.

Pumapangalawa si Malonzo ng Gin Kings na may 31.3 SPs at 14.3 points, 6.7 rebounds, 2.2 assists, 1.5 steals at 1.3 blocks per game.

Dating magkasama ang dalawa sa NorthPort bago napunta si Malonzo sa ‘controversial trade’ sa Ginebra.

Samantala, kung hindi masusustenahan ang magandang laro ng dalawang nabanggit ay maaari silang masilat ni Most Valuable Player Scottie Thompson na may 31.1 SPs at pangatlo sa BPC race, kasunod sina Magnolia’s Jio Jalalon (30.4 SPs) at San Miguel’s CJ Perez (30.3 SPs).

Pasok din sa Top 10 sina NLEX’s Don Trollano (29.09), NorthPort’s Arvin Tolentino (29.08), Phoenix’s Javee Mocon (28.6), Ginebra’s Christian ­Standhardinger (27.9), at Converge’s Jeron Teng (27.8).

Para sa Best Import, una sa listahan si NLEX’s Earl Clark na may scoring average 32.3 points per game at 56.0 SPs.

Ngunit dahil naligwak sa quarterfinals ang Road Warriors kaya’ t inaasahan nang mauungusan siya nina Quincy Miller ng Converge (55.3 SPs), Justin Brownlee ng Ginebra (52.4 SPs), at Nick Rakocevic ng Magnolia (52.3 SPs).

38

Related posts

Leave a Comment