BOOKER OUT SA SUNS

TINATAYANG 15 games mawawala si Phoenix Suns star Devin ­Booker matapos magtamo ng left groin strain, inihayag ng team kahapon.

Ire-reevaluate si Booker sa susunod na apat na linggo.

Nakaapat na minuto lamang si Booker sa Christmas game laban sa Denver Nuggets kung saan natalo ang Suns via OT, 128-125.

Noong Martes, hindi na nakalaro si Booker nang nakaresbak ang Phoenix kontra Memphis Grizzlies, 125-108, kung kailan nagtamo naman si Chris Paul ng calf injury.

Bago ma-injure, si Booker ay may average 28 points. Noong Nobyembre 30, naitala niya ang 51 puntos sa blowout win kontra Chicago Bulls, 132-113.

Makaraan ang dalawang ­linggo, inilista naman ni Booker ang 58 points nang magwagi laban sa New Orleans Pelicans, 118-114. (VT ROMANO)

31

Related posts

Leave a Comment