BROWNLEE ‘DI MAGAGAMIT SA SEAG

DUDA si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino sa pagbabago ng proseso ng Southeast Asian Games Organizing Committee hinggil sa naturalization process sa basketball.

Ito’y dahil posibleng hindi makapaglaro para sa Gilas Pilipinas ang naturalized player at Barangay Ginebra import na si Justine Brownlee.

“Pasok na siya (Brownlee) as naturalized player,” giit ng POC chief. “Ipinagtataka nila bakit napakabilis daw ng proseso, eh, approved na di ba?”

Matatandaang nabigo ang Pilipinas madepensahan ang gintong medalya sa basketball sa Vietnam SEA Games ­matapos matalo sa Indonesia noong nakaraang taon. (ANN ENCARNACION)

22

Related posts

Leave a Comment