BULACAN NIRENDAHAN NG MINDORO

NAISALBA ng Mindoro-EOG Burlington ang matikas na panalo sa ratsada sa krusyal na sandali ng Bulacan, 79-72, at inangkin ang maagang liderato (2-0) sa Pool D ng 2021 Chooks-to-Go MPBL Invitational powered by TM sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City kahapon.

Tangan ng Tamaraws ang 66-52 bentahe sa pagsisimula ng final period, naging maluwag ang depensa ng Mindoro na sinamantala ng Kuya’s sa pangunguna ni Bryan Faundo para matapyas ang kalamangan ng kalaban sa apat na puntos, 4:19 ang nalalabi sa laro.

“Same as our last game, we were up in the third quarter but unfortunately, nakalimutan namin maglaro ng basketball nung fourth quarter,” pahayag ni Mindoro head coach Britt Reroma.

Naging sandigan ng ­Mindoro ang three-pointer ni Ryusei Koga para maibalik ang wisyo ng Tamaraws at mapigilan ang rali ng Bulacan.

“We will still take this as a win,” sambit ni Reroma. “We have to work on that (fourth quarter). Alam naman natin na yung liga na ito napakaiksi. Every game counts and we need to work on things again.”

Laglag ang Bulacan sa 0-2 record, tangan ng Imus ang 1-0 marka, magkasosyo ang Rizal at Manila sa 1-1 at tangan ng GenSan ang 0-1 kartada sa liga na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

Sunod na haharapin ng ­Mindoro ang Imus Huwebes ganap na 2:30 ng hapon, habang magtutuos ang Bulacan at Rizal ganap na 7:30 ng gabi.

Iskor: Mindoro-EOG Burlington (79) – Cabanag 15, Koga 14, Castro 13, Baetiong 12, Mallari 10, Mariano 6, Cosejo 5, Liwag 4, Villapando 0, Matias 0, Caldozo 0, Saldana 0.

Bulacan (72) – Faundo 22, Martinez 15, Hoyohoy 9, Caspe 7, Inigo 6, Escosio 4, Dela Cruz 3, Neypes 3, Arim 3, Marquez 0, Bacay 0.

Quarterscores: 16-20, 35-37, 66-52, 79-72.

1

Related posts

Leave a Comment