NAGLISTA ng ika-50 panalo ang Boston Celtics, gabi ng Miyerkoles sa Chicago (Huwebes sa Manila), nang kaldagin ang Bulls, 117-94.
Naglista si Jaylen Brown ng 25 points, may 17 si Al Horford mula sa 7-of-7 shooting tungo sa ikatlong sunod na W ng Celtics at 27-6 mula noong Enero 22.
Tuluyang maibubulsa ng Celtics ang second spot sa Eastern Conference playoffs sa Huwebes (Biyernes sa Manila) kung magwawagi kontra Milwaukee Bucks.
”It’s a pretty simple formula,” pahayag ni Cel-tics coach Ime Udoka. ”Play defense at an elite level. Share the ball, be unselfish on offense. And the results are there.”
Nag-ambag si Jayson Tatum ng 16 points sa Boston buhat sa 5-of-18 sa field, pero 1-of-8 sa 3-point range.
Ikalawang sunod na talo naman ito ng Bulls, matapos nasakmal ang playoff berth noong Martes.
Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 16 points sa Chicago, habang si Nikola Vucevic may 13 points, pero apat ang kanyang turnover mula sa 17 ng Bulls.
”I think what happens is when you’re winning, you have a false sense of reality of who you are,” komento naman ni Bulls coach Billy Donovan. ”And when you’re losing, you have a false sense of reality of who you are.”
Nagtala ang Celtics ng 16-4 run sa kalagitnaan ng first quarter tungo sa 31-14 lead. Naglista ng 57.8% sa first half, 9-of-18 sa 3-point range, kung saan si reserve guard Payton Pritchard ay 3-for-3 sa second quarter mula sa long distance.
Buhat sa home loss sa Milwaukee noong Martes ng gabi, nakakuha ang Bulls ng 10 turnovers sa first half. Nanghina ang frontline depth ng Chicago nang matawagan si forward Patrick Williams ng fourth foul may 4:31 pa sa second quarter.
Habang si Bulls guard Zach LaVine ay 1-of-5 lang sa field sa first period, hindi nag-attempt ng shot sa second at 2-of-9 lang. Nagtapos siyang may pitong puntos.
”It’s hard to play when we’re disconnected like this, and the results show,”
wika ni LaVine. ”Offensively, defensively, we’re disconnected right now. We have to find our rhythm in these next two games.”
KNICKS NA-SWEEP NG NETS
KINUMPLETO ng Brooklyn Nets ang season sweep laban sa New York Knicks, nang muling talunin, 110-98. Ikapitong sunod na tagumpay ito ng Nets kontra Knicks.
Pero hindi naging madali ang latest win ng Brooklyn dahil kinailangan nilang habulin ang 21-point deficit sa simula ng third quarter.
Mabuti na lang at nagdomina si Kevin Durant, katuwang si Patty Mills, upang burahin ang deficit at itala ang double-digit advantage.
Nanguna si Durant sa Brooklyn, 32 points, 11 assists at 10 rebounds, habang si Kyrie Irving ay may 24 points, eight rebounds at seven assists. Naisalaksak naman ni Mills ang lima sa kanyang pitong attempts sa long range off the bench para sa total 15 puntos.
Aktibo si Durant sa fourth, naglista ng 13 points, nine rebounds at six assists sa panalo ng Brooklyn, ang fourth team na may multiple 20-point comebacks laban sa iisang koponan sa huling 25 seasons.
Tinalo rin ng Nets ang Knicks noong Pebrero matapos habulin ang 28-point deficit.
“We’re both in the city. We know how much Knicks fans don’t like us, especially now in this era of the Nets, [with] us not choosing the Knicks, me and Kyrie,”lahad ni Durant matapos ang laro.
“It definitely adds something to the rivalry, no matter who’s on the team. I think it will always be like that in the city. So it’s good to be a part of this. It’s a fun rivalry, and hopefully it continues to build and we get more and more animosity between the fan bases. It’s going to be good for the game,” dagdag niya.
THUNDER TINAMBAKAN NG JAZZ
MAY 27 points si Bojan Bogdanovic, nagdagdag si Rudy Gobert ng 20 points at 10 rebounds nang ilampaso ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder, 137-101 sa Salt Lake City.
Umambag din si Jordan Clarkson ng 18 points at season-high 10 assists, habang si Hassan Whiteside ay may 15 points, 11 rebounds at five blocks para sa fifth straight win ng Jazz.
Top scorer si Jaylen Hoard sa Oklahoma City, 23 points, kasunod sina Isaiah Roby at Jeremiah Robinson-Earl, tig-18 points.
Sa dulo ng first quarter umarangkada ang Utah mula sa layup ni Bogdanovic, nagpasimula ng 16-2 run. Umiskor ang Jazz sa siyam sunod na posesyon.
Nagawang maibaba ng Oklahoma Ciy ang deficit sa two points sa 2nd quarter, nang humirit si Lindy Waters III ng tatlong sunod na 3-pointers buhat sa 13-2 run. Kasunod ang layup ni Hoard para sa 57-55 count.
Sinagot naman ito ni Clarkson ng back-to-back baskets upang pigilan ang Thunder makaungos sa Jazz. Nag-setup din siya ng baskets kay Gobert sa dalawang magkasunod na possession tungo sa 71-58 lead sa halftime.
Pagsapit ng second half, halos hindi na bumaba sa double digits ang kalamangan ng Utah.
SA iba pang mga laro, tinalo ng Los Angeles Clippers ang nangungunang Phoenix Suns, 113-109. Nagawang habulin ng Suns ang 39-point deficit, nang magtala ng team record 48 puntos sa fourth quarter, ngunit kinapos pa rin sa dulo.
Nagwagi rin ang Atlanta Hawks laban sa Washington Wizards, 118-103, gayundin ang Dallas Mavericks kontra Detroit Pistons.
110