CAVS DAUSDOS SA BUCKS

Ni VT ROMANO

PATULOY ang pagpapakitang-gilas ni Brook Lopez. Nagtala ng 7-for-9 shot mula sa 3-point range at umiskor ng 29 puntos sa 113-98 win ng host Milwaukee Bucks at itinulak pa ang Cleveland Cavaliers sa pagdausdos, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila).

Ikalimang sunod na talo ito ng Cavaliers matapos ang 8-1 start.

Tumapos si Giannis Anteto-kounmpo na may 16 points, 12 rebounds at eight assists para sa Bucks. Habang si Jordan Nwora, may season-high 21 points para tulungan ang Bucks ma-outscore ang Cavs 45-20 sa bench points.

Kinapos si Lopez ng isa sa kanyang career high eight 3-pointers, naitala laban sa Miami noong Nobyembre 11, 2018.

May tig-23 points sina Donovan Mitchell at Darius Garland at si Evan Mobley 20 points para sa Cavaliers.

Nagbalik si Mitchell matapos lumiban ng one game sanhi ng strained right ankle, habang ikalawang sunod nang wala si Jarrett Allen bunga ng non-COVID illness.

Dahil wala ang kanilang All-Star center, na-outrebound ang Cavaliers 52-34 at outscored 21-6 sa second-chance points.

Absent naman sa panig ng Milwaukee sina Jrue Holiday (sprained right ankle), Grayson Allen (sprained right ankle) at Wesley Matthews (sprained fight hamstring).

Ikaapat sunod na larong wala si Holiday at hindi pa rin nakapaglalaro sa season sina Khris Middleton (wrist), Pat Connaughton (calf) at Joe Ingles (knee).

HAWKS PINAPAK
NG CELTICS

KULANG ang Boston Celtics ng dalawnag key players sa kanilang rotation.

Hindi naman ito naging hadlang nang umiskor si Jaylen Brown ng 22 points upang ­pangunahan ang balanseng atake at ang East-leading Celtics ay na-stretch ang winning streak sa walo via 126-101 paggapi sa host Atlanta Hawks.

Wala sa lineup ng Celtics sina injured guards Marcus Smart at Malcolm Brogdon.

Kabilang si Brown sa pitong Celtics players na may double figures: Jayson Tatum 19, Grant Williams 18, Derrick White 16 (10 assists), Sam Hauser at Luke Kornet tig-15, at Payton Pritchard 14.

Kagagaling lang ng Hawks mula sa mainit na panalo kontra Milwaukee Bucks (121-106) noong Lunes, ngunit nanlamig laban sa Boston.

Top-scorer sa Hawks si Trae Young 27 points, ngunit, mula ito sa 10-of-23 shooting, kabilang ang 2-of-7 sa labas ng arko.

SUNS ‘DI KINAYA
NI CURRY

NABALEWALA ang 50-point production ni Stephen Curry nang magtulong sina Cameron Payne, may career-high 29 points at Devin Booker, 27 points, at daganan ng Phoenix Suns ang Golden State Warriors, 130-119, sa Arizona.

Kinontrol ng Suns ang halos buong laro sa kabila ng scoring spree ni Curry. Ang eight-time All-Star ay may 17-of-28 shots, 7-of-11 mula sa 3-point range, ngunit walang nakuhang tulong mula sa mga kasamahan.

Tumapos si Klay Thompson na may 19 points, ngunit buhat ito sa 6-of-17 shooting. Kaya sadsad ang depending champs sa 6-9 panalo-talong record.

Bagama’t inasahan na ang pag-iskor ni Curry, tinapatan ito ng best game ni Payne, ­humalili kay injured starter Chris Paul, nang ang 6-foot-3 guard ay nagtala ng 9-of-17 shots, kasama ang 6-of-10 (beyond the arc).

May 21-of-40 (52.5%) ­shooting sa 3-point range ang Suns, kung saan si Mikal Bridges, may 23 points, ay nagtala ng 5-of-8 3-pointers.

Sa iba pang laro, panalo ang New York Knicks sa Denver Nuggets, 106-103; Houston Rockets vs Dallas Mavericks, 101-92; Minnesota Timberwolves vs Orlando Magic, 126-108; Oklahoma City Thunder vs Washington Wizards, 121-120; Indiana Pacers vs Charlotte Hornets, 125-113; Toronto Raptors vs Miami Heat, 112-104; at New Orleans Pelicans vs Chicago Bulls, 124-110.

19

Related posts

Leave a Comment