CELTICS BINUHAT NI BROWN

MAY season-high 41 points at 12 rebounds si Jaylen Brown at inilista ng Boston Celtics ang ikaapat sunod nitong panalo, Huwebes (Manila time) kontra New Orleans Pelicans, 125-114, sa TD Garden.

Tumulong kay Brown si Jayson Tatum, may 31 points at 10 rebounds, habang si Malcolm Brogdon, 20 points at si Al Horford 14, kasama ang four 3-pointers para sa Celtics, wagi sa kanilang huling limang home games.

Top scorer sa Pelicans si CJ McCollum, 38 points at ikalimang sunod na larong may at least 25 puntos. Siya rin ang nanguna sa paghahabol ng Pelicans sa pamamagitan ng 6-of-12 sa 3-point line.

Wala naman sa lineup si Zion Williamson sa ikalimang sunod na laro sanhi ng strained right ­hamstring.

Nag-ambag si Naji Marshall ng 18 points at si Trey Murphy III, 15 points para sa ikatlong talo sa apat na laro ng New Orleans.

Mula sa six-point lead ng ­Celtics sa halftime, lumobo pa ito sa 104-89, 10 minuto pa sa laro.

Naibaba ito ng New Orleans sa 107-97, 7:32 pa sa orasan. Ngunit nagsagawa ang Boston ng 11-3 run tungo sa 118-100 lead. (VT ROMANO)

379

Related posts

Leave a Comment