CHOOKS-MPBL Invitational SARANGANI WAGI SA MUNTINLUPA

INAKAY ni Jordan Sta. Ana ang Sarangani Marlins sa importanteng 75-66 panalo kontra Muntinlupa Cagers upang manatiling buhay ang tsansa sa 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Invitational powered by TM, Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena.

Nagtala si Sta. Ana ng kabuuang 18 puntos, anim na rebounds at dalawang assists sa unang panalo ng Marlins sa FIBA sanctioned tournament.

“Masaya, sobra, talagang gusto namin manalo. Siyempre yung inspiration ko kasi nung kinuha ako dito sa Sarangani is yung nangyari sa team ko last season,” sambit ni Sarangani head coach John Kallos.

“Dinala ko lang yung culture na ‘di tayo nagpapatalo, tapos yung image ng Sarangani is ­pangit for the last season,” aniya, patungkol sa team na may 1 panalo at 29 talo noong nakaraang taon.

“Yun talaga yung inspiration namin, na ‘di ka man manalo, pero dapat makita yung imahe na lumalaban ka at nirerespeto at iginagalang matapos ang laro. Gusto namin na ipaalam sa lahat na bawal ang sugal dito sa team na ito,” giit pa ni Kallos.

Nagdagdag si Marvin Lee ng 14 puntos, limang assists, apat na steals at dalawang rebounds, habang si Yvan ­Ludovice ay may 12 puntos, limang rebounds, ­limang steals at apat na assists para sa Sarangani.

Bitbit ng Sarangani ang 1-2 sa Pool C, habang nahulog ang Muntinlupa sa dulo sa 0-2 ­record. Nananatili ang San Juan sa ­liderato na may 2-0 record kasunod ang Nueva Ecija (1-0) at Valenzuela (1-1). (ANN ENCARNACION)

6

Related posts

Leave a Comment