CKDF PINAGHAHANDAAN 2023 SEAG, ASIAN GAMES

LIMITADO man ang pondo, tuloy sa pagsasanay ang mga atleta ng Canoe-Kayak and Traditional Dragon Boat ­Federation para sa ­international competitions kabilang ang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at Asian Games sa China sa susunod na taon.

“Nagpapasalamat ako kay Com. Bambol (Tolentino) dahil first time itong mangyari na isang coach ang ma-appoint na deputy, chief of mission. Itong duty na ito ibinibigay lang sa NSA (National Sports Association) heads at ­government officials,” pag-amin ni head coach Len Escollante.

Sa kasalukuyan, balik na rin sa face-to-face ang ensayo ng mga atleta sa training ­facility sa Taytay, Rizal, kung saan ­maraming batang miyembro ang national team.

Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas, matagumpay na naisagawa ang torneo ng asosasyon, habang nagpahayag ng kahandaan ang bayan ng Talisay na maging host sa international competition ng CKDF sa susunod na taon.

Iginiit ng national head coach, kahit gipit sa budget ay hindi tumitigil ang pamunuan upang maipakilala ang nabanggit na sport sa mga kabataang interesadong matutunan ito.

“Unlike any other sports, itong canoeing-kayak at dragon boat ay nangangailangan ng tamang lugar para pagsanayan at magsagawa ng tournaments. Marami tayong ilog at katubigan pero hindi lahat ay akma para sa sports.

“Sa kabila nito, hindi kami tumitigil para pagyamanin ito lalo na source of pride ang sports namin,” pahayag ni Escollante sa nakaraang Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City.

“Very challenging sa amin dahil mahirap makakuha ng sponsors at sa kasalukuyang nakabinbin ‘yung mga request namin sa PSC. At least sa SEA Games sa Cambodia, ‘yung traditional ­dragon isinama sa event ng Cambodia organizers,” sabi pa ni Escollante sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine. (DI)

10

Related posts

Leave a Comment