CLARKSON PAPASIKLAB SA WORLD CUP 2023

KINUMPIRMA ni Utah Jazz guard at dating NBA Sixth Man of the Year Jordan Clarkson na maglalaro siya sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.

Sinabi ng 30-anyos na Fil-Am, babalik siya sa bansa sa susunod na taon para muling maglaro sa Gilas sa pinakahuling window ng 2023 FIBA World Cup, nang bumisita siya sa Tenement, Taguig Linggo ng umaga.

Kababalik lang ni Clarkson at ng national squad mula sa Beirut kung saan nalasap nila ang 81-85 kabiguan kontra Lebanon. Nakatakdang harapin ng Gilas ang Saudi Arabia ngayon (Agosto 29) alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

TAMAYO ‘DI LALARO
vs SAUDI ARABIA

‘OUT’ sa Gilas si UAAP Season 84 Rookie of the Year Carl Tamayo sa laro kontra Saudi Arabia dahil kasama siya ng University of the ­Philippines Fighting Maroons sa training camp sa South Korea.

Posibleng palitan siya ni ­dating No.1 PBA draft pick Roosevelt Adams, depende sa magiging ­desisyon ng Gilas coaching staff.

Umaasa si Adams na makapaglalaro sa national team matapos ma-cut sa ‘final 12-player’ kontra Lebanon sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Kabiland sa mga nakasama sa Beirut sina Jordan Clarkson, Dwight Ramos, Kai Sotto, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Chris Newsome, Kiefer at Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks Jr., Jamie Malonzo at Calvin Oftana.

Nakatiyak ang Pilipinas ng isang upuan sa World Cup dahil isa ito sa tatlong bansang maghohost ng torneo kasama ang Japan at Indonesia, na tuluyang napatalsik sa world tourney dahil sa bagsak na kartada.

Ang Saudi Arabia ay nagmu­mula sa 65-80 pagkatalo sa Tall Blacks sa Dammam. Bumagsak sila sa 1-4 sa standing. Samantala, ang Gilas ay 2-3 sa Group E sa ikaapat na puwesto, habang ang New Zealand ay 5-0, Lebanon (4-1), Jordan (3-2), at India (0-5). (ANN ENCARNACION)

11

Related posts

Leave a Comment