CLIPPERS vs SUNS SA WEST FINALS

0

NAGING ‘man of the hour’ si Terance Mann matapos umiskor ng career-high 39 para bitbitin ang Clippers sa conference final, kasunod ng 131-119 win kontra Utah Jazz, Sabado (Manila time) sa Los Angeles.

Ito ang unang pagkakataon sa 51-year history ng franchise na umusad sa conference final ang koponan.

Humugot ng tulong si Mann mula kina Paul George, may 28 points at Reggie Jackson (27 points) para sa Clippers, na makakaharap ang second-seeded Phoenix Suns sa Western Conference finals, na ang Game 1 ay magsisimula sa Lunes.

Magkasunod na panalo ang dinakma ng Los Angeles laban sa Jazz, kahit wala ang star forward nitong si Kawhi Leonard na may iniindang sprained right knee.

Sa kaagahan ng third quarter, hinabol ng Clippers ang 25-point deficit.

Ito ang ikatlong beses sa franchise history ng Clippers na naghabol sila ng at least 22 points sa postseason game at nanalo.

Pinag-init ni Mann ang rally ng Clippers nang umiskor ng 20 points sa third period.

Abante pa ang Utah, 94-91 sa final 12 minutes, pero ipinatikim ni Jackson sa Clippers ang unang lead nang mag-lay up para sa 96-95 count, 10:36 pa.

Si Mann din ang ikatlo lang na player sa franchise history na nakagawa ng at least seven 3s sa postseason game.

Hawak ang manipis na 107-106 lead, eight minutes ang ­nalalabi bago nakontrol ng Clippers ang laro sa pamamagitan ng siyam na sunod na puntos, kasama ang lima mula kay Mann.

Nagawang dumikit ng Jazz hanggang anim.

Si Donovan Mitchell ang top scorer sa Utah, 39 points. Ito ang ikalawang beses sa franchise history ng Jazz na sinayang ang 25-point lead sa postseason game.

Nagdagdag si Royce O’Neale ng 21 sa Jazz, na nagtala ng NBA’s top regular-season record, pero fist time natalo ng apat na sunod.

Binuksan ni Mitchell ang ­second half nang isang 33-foot, step back 3-pointer na nagbigay sa Jazz ng 75-50 lead, 24 ­seconds pa lang sa third quarter.

Mula sa 88-67 count, 6:37 nang magsimulang maghabol ang LA sa pamamagitan ng 21-2 run at naibaba sa isa ang abante ng Jazz, 1:42 na lang, buhat sa 10 points ni Mann at siyam ni Jackson.

Muling umabante ang Utah buhat sa dunk ni O’Neale at pares ng free throws ni Mitchell, 11.1 seconds papasok sa fourth period.

Nagkaroon ng 12 lead ­changes sa first half. Ang layup ni Rajon Rondo sa 9:17 sa second ay nagbigay sa LA ng 41-40 lead, bago na-outscore ng Utah angClippers, 33-10 tungo sa 72-50 advantage sa halftime.

Nagtala rin ang Jazz ng 21-2 run kasama rito ang 17 straight points ni Jordan Clarkson, pati na ang dalawang 3-pointers.

SIXERS SINALBA NI CURRY

HINDI pa sumusuko ang top-seeded Philadelphia 76ers.

Sa pangunguna ni Seth Curry, kumamada ng anim na 3-pointers at total 24 points, naitala ng ­Sixers ang 104-99 win kontra Hawks, Sabado (Manila time) sa Atlanta.
Binalewala ng 76ers ang 34 points output ni Trae Young upang ihirit ang Game 7 sa Lunes sa Philadelphia.

Si Tobias Harris ay nag-ambag ng 24 points kabilang ang apat na free throws sa final 13 seconds, habang nag-contribute si Joel Embiid ng 22 points at 13 rebounds.
Dumikit ang Hawks, 94-93 buhat sa long 3 ni Young. Sinagot ito ni Embiid ng basket.

Kasunod ang free throws nina Embiid at Tyrese Maxey, umiskor ng 16 points off the bench at nagtulak sa Philadelphia sa 98-93 lead.

Naibaba pa ito sa tatlo ng Hawks mula sa jam ni Danilo Gallinari sa huling 20 seconds.

Lamang ang Atlanta sa halftime, 51-47. Nang buksan ng 76ers ang second half sa pagpapaulan ng apat na tres, kabilang ang tatlo ni Curry para sa 12-0 run na nagbigay sa Sixers ng 59-51 lead. Umabot pa sa 11 ang lead, 68-57.

Nakadikit ang Atlanta, 80-76 papasok sa final period.

Nakuha ng Atlanta ang ­driver’s seat, 92-84, 4:03 na lang, nang tawagan si Embiid ng offensive foul laban kay John Collins. Hindi doon natapos, dahil nagkagitgitan pa ang dalawa na parehong bumagsak at pareho ring natawagan ng technical. (VT ROMANO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment