(NI BERNARD TAGUINOD)
AWTOMARIKO na maging civil service eligible ang mga alteta na makapag-uwi ng medalya at karangalan sa bansa sa kanilang mga sinasalihang international competition.
Bukod sa mga atleta, nais din ni House committee on civil service and professional regulation chair Rep. Frederick Siao na isama rin sa magkaroon ng automatic civil service eligibility ay ang kanilang mga coaches, trainers at sport officials.
Ayon sa mambabatas, ginugugol ng mga atleta, trainers at coaches ang buong buhay nila sa nasabing larangan para sa karangalan ng mga Filipino kaya nararapat lamang na suklian ito.
“I also envision an automatic license and professional civil service eligibility for sports players who win international competitions recognized by the world sports governing bodies, such as the Southeast Asian Games, the Asian Games, world championships, and Olympic qualifying tournaments,” ani Siao.
Sinabi ni Siao na bigyan ng lisensya ang lahat ng mga atleta, trainers, coaches at mga opisyales ng mga ito subalit hindi na kailangan sumailalim sa board exam ang mga ito kapag nakapag-uwi ng medalya sa mga sinalihang international competition.
“The sports license would be also unique because both young and adult athletes who win in international competition should automatically qualify for and be awarded both the PRC license and matching professional civil service eligibility,” ayon pa sa mambabatas.
Kokonsultahin umano nito ang sport sector para sa nasabing panukala para makatulong ang mga ito sa pagbuo ng isang batas na magbibigay ng mas maraming pagkilala at benepisyo sa mga ito.
206