DAGDAG-PREMYO SA PINOY MEDALISTS 

bong go55

(NI NOEL ABUEL)

INAMIN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang matatanggap na premyo ng sinumang Filipino athletes na makakukuha ng medalya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon sa senador, ang dagdag na insentibo ay iba sa ibinibigay na isinasaad sa Republic Act No. 10699, o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act para sa mga makakukuha ng gold, silver at bronze medals.

“Maliban doon sa mandated by law, willing po ang Pangulo na bigyan sila ng award to encourage them. I suggested to him na bigyan ng awards and incentives ang athletes natin nang maengganyo namang lumaban despite the controversies. I-boost natin ang kanilang morale para manalo tayo,” paliwanag ni Go.

Naniniwala aniya ito na tutuparin ng Pangulo ang pangako nito dahil sa nagawa na ng Punong Ehekutibo ito sa mga nakalipas na panahon.

“Noong nakaraan nga, ’yung limang atleta, including Hidilyn Diaz at ’yung gold medalist sa gymnastics (Carlos Yulo), binigyan niya ng separate incentives,” sabi pa nito.

Nilinaw naman ni Go na wala pang tinutukoy ang Pangulo kung magkano ang ibibigay na insentibo nito sa mga makakukuha ng medalya subalit tiyak namang makatatanggap ang mga ito ng Order of Lapu-Lapu awards.

“I cannot speak on behalf of the President, pero nabanggit niya sa akin na bibigyan niya ng Lapu-Lapu award ang mga mananalo,” sabi pa ni Go.

 

324

Related posts

Leave a Comment