DAHIL KAY BROWNLEE LALATA PINAGMULTA

Ni VT ROMANO

HINDI pinalampas ng PBA ang pananakit ni Phoenix big man Chris Lalata kay Barangay Ginebra import Justin Brownlee.

Pinatawan ng P5,000 multa si Lalata para sa technical foul dulot ng “face hit” kay Brownlee sa laro noong Biyernes sa ongoing Commissioner’s Cup.

Paliwanag ni PBA commissioner Willie Marcial, awtomatiko ang naturang penalty matapos panindigan ng technical committee ang TF.

Sa kabila nito, walang nakitang rason ang league officials na i-upgrade ng penalty matapos ang video review sa insidente.

Sa bibihirang pagkakataon ay nagalit si Brownlee at kinompronta si Lalata matapos matamaan sa mukha.

Ito ay kahit pa hindi nakita sa television replays ang ikinagalit ni Brownlee, bagama’t nagpasya ang technical officials na ­maaaring nagkaroon ng ‘second motion’ matapos tawagan ng foul si Lalata.

Nanindigan naman si Marcial na wala silang nakitang “malicious” sa ginawa ng Phoenix player.

Si Lalata ay picked No. 16 overall ng Phoenix sa nakaraang rookie draft.

20

Related posts

Leave a Comment