DIAMOND SA SMB

KASISIMULA pa lang ng PBA Commissioner’s Cup ­ngunit nakadalawang import na agad ang San Miguel Beer.

Kinuha ng Beermen si Diamond Stone kapalit ni Thomas Robinson.

Ang 31-anyos na si Robinson ay inilagay sa injured/reserve list ng koponan.

Ayon sa PBA website, maglalaro na ang bagong import ng SMB sa game kontra Blackawater.

Si Stone ay 40th overall pick ng New Orleans noong 2016 NBA draft, at lumaro din sa Los Angeles Clippers sa 2016-2017 season.

Matapos ito ay ­nagpalipat-lipat siya sa NBA G League teams, bago naglaro sa Windy City, Salt Lake City, Rio Grande, at Taiwan Beer ng T1 league sa Chinese Taipei kung saan naging league scorer siya sa 2022 season.

Naglaro din sa Meralco ang 25-anyos na si Stone, ngunit sa 2018 Fiba Asia Champions Cup sa Thailand ka-tandem si Allen Durham.

Ang “Philippine Cup King” SMB ang siya ring ­defending Commissioner’s Cup champion noong 2019, bago ­pansamantalang itinigil ang PBA second conference dahil sa COVID-19 pandemic. (DENNIS IÑIGO)

63

Related posts

Leave a Comment