(NI JEAN MALANUM)
TUMAPOS si Filipina skateboarder Margielyn Didal na panlima, pinakamataas na nakuha ng isang Pinoy, sa Street League Skateboarding (SLS) World Tour noong Linggo sa CA Skateparks Training Facility sa Los Angeles.
Umiskor si Didal ng 21.2 sa women’s final at tinalo ang former world champion at five-time Summer X Games gold medal winner Leticia Bufoni ng Brazeil (21.0).
Ang top 5 finish ni Didal ay nagdagdag ng ranking points para makasabak siya sa Tokyo 2020 Olympics.
Ang 11-anyos na si Rayssa Leal ng Brazil ang nagbulsa ng unang puwesto (23.3) at patuloy na umaangat ang kanyang performance sa unang taon niya sa SLS.
Nakuha naman ni Alana Smith ng US ang silver (22.5) habang ang defending champion na si Aori Nishimura ng japan ay nalaglag sa 3rd spot (22.1).
Si Didal, isang Cebuana, kung matatandaan ay nagwagi ng gold medal sa 2018 Asian Games at naghahanda rin para sa paglahok sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa Pilipinas.
159