DRAGONS ALAM NA KAHINAAN NG KINGS

Ni ANN ENCARNACION

GAYA ng ipinangako ng Bay Area, nakabawi ito sa Game 2 kontra Barangay Ginebra at naitabla ang best-of-seven series sa PBA Commissioner’s Cup.

Nakuha ng Dragons ang tamang timpla upang sikwatin ang 99-82 panalo sa Gin Kings at gawing 1-1 ang kanilang finals series, Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Nagtulong-tulong sina Andrew Nicholson, Songwei Zhu, Hayden Blankley at Kobey Lam sa pagsalansan ng 83 puntos kasama ang 10 three-pointer, upang iahon ang Dragons mula sa 96-81 loss sa Kings noong Game 1.

“We defended without fouling. We adjusted on the PBA rules, and we have to stay that way moving forward,” sabi ni Bay Area coach Brian Goorjian matapos ang laro.

Bagama’t dumepensa ang Ginebra, tinapatan sila ng Bay Area kaya nalimitahan ang opensa ng una. Katunayan, tanging sina Kings’ resident import Justin Brownlee, 32 points, at Jamie Malonzo, 10 points, lang ang may double figures lang.

Samantala, ang inaasahan ng Ginebra na sina Scottie Thompson at LA Tenorio ay may siyam at walong puntos lang, ayon sa pagkakasunod.

Magkakaroon ng holiday break ang Commissioner’s Cup finals at magbabalik sa Enero 4, 2023 para sa Game 3 sa Mall of Asia Arena.

54

Related posts

Leave a Comment