DURANT TINOPAK NA NAMAN

NAG-AALBURUTO na naman si Brooklyn Nets superstar Kevin Durant.

May kinalaman ito sa NBA 2K23 at hindi niya nagustuhan ang kanyang papel sa latest edition ng nasabing video game.

Nang makitang binigyan lamang siya ng 96 overall rating, negatibo ang naging reaksyon ng player.

Sa kanyang Twitter account @KDTrey5 nagpost si Durant ng: “Aye @Ronnie2K I’m gonna need an explanation on why I’m not a 99? This has become laughable.”

Subalit ang 96 overall rating ay masasabing ‘incredible’

Dahil isa ito sa ‘best ratings’ na makuha ng player at isang player lamang ang angat sa kanya sa panibagong season.

Si Milwaukee Bucks star ­Giannis Antetokounmpo ang tanging nakatanggap ng highest rating (97). Sina LeBron James, Stephen Curry, Nikola Jokic at Joel Embiid ay may 96 ratings, habang si Luka Doncic ay 95.

Nag-average si Durant ng 29.2 points, 7.4 rebounds at 6.4 assists per game sa nakaraang season sa Nets, ikalawang taon niya sa team at mananatili siyang starter sa paparating na season, matapos hindi pagbigyan ang ­hiling niyang trade. (VT ROMANO)

Related posts

Leave a Comment