EALA, PARTNER USAD SA DOUBLES Q’FINALS

Ni ANN ENCARNACION

HUMAKBANG sa girls’ doubles quarterfinals ng JA Plantation Orange Bowl Junior Championship si tennis ace Alex Eala at kanyang partner na si Solana Sierra ng Argetina Biyernes (Manila time).

Pinasuko ng third seed duo nina Eala at Sierra ang mga nakalaban na sina Mirra Andreeva ng Russia at Katja Wiersholm ng Amerika sa iskor na 6-3, 6-2.

Dahil dito ay umabante ang 16-year-old Pinay at 17-year-old Argentinian sa quarterfinals ng JA tourney na ginaganap sa Florida, USA.

Sunod na makakalaban nina Eala at Sierra sina Chelsea Fontenel ng Switzerland at American Qavia Lopez.

Kamakalawa ay tuluy­ang natapos ang kampanya ng Pinay tennis ace sa girls’ singles event makaraang matalo, 3-6, 3-6, kay Czech’s Kristyna Tomaj­kova sa second round.

Taong 2019 nang makopo ng Rafa Nadal Academy scholar ang kampeonato sa JA girls’ doubles kapareha si Belarusian netter Evialina Laskevich.

2

Related posts

Leave a Comment