EALA USAD SA W80 FRANCE

PINATAOB ni 2022 US Open Juniors singles champion ­Alexandra “Alex” Eala si hometown bet Astrid Cirotte (6-1, 6-2) sa W80 Poitiers International Tennis Federation (ITF), Linggo sa France.

Sa loob lamang ng 45 minuto, tuluyang umusad sa second round ng torneo ang 17-anyos Pinay na Rafa Nadal Academy scholar.

Sunod na makakasagupa ni Eala ang isa pang Frenchwoman na si Diana Martynov, nagwagi naman (6-3, 6-1) naman laban sa kababayang si Yasmine ­Mansouri.

Kahit mas bata ng apat na taon, mas angat sa world ranking si Eala na No. 248 kumpara sa No. 870 lang ni Martynov.

Sa kabila nito, wala sa plano ng teen tennis ace na magkampante kontra French rival na asam makuha ang kanyang unang pro title.

Maliban kina Eala at Martynov, kabilang sa mga naghahangad sa W80 France title na may $80,000 prize ay sina Diane Parry ng France (No. 65), Tatjana Maria ng Germany (No. 69), Jaqueline Adina Cristian ng Romania (No. 82), Xinyu Wang ng China (No. 88), Marketa Vondrousova ng Czech Republic, at Clara Tauson ng Denmark (No. 94).

Si Eala, nagwagi sa W15 Manacor sa Spain noong 2021 at W25 Chiang Rai sa Thailand sa unang bahagi ng 2022, ay umabot lang sa second round ng W80 Germany. (ANN ENCARNACION)

26

Related posts

Leave a Comment