EMBIID-LESS SIXERS NALO SA NETS

Ni VT ROMANO

WALANG Joel Embiid-Ben Simmons face-off sa pagbabalik ng huli sa Philadelphia.

Pero ang homecoming ni Simmons ay nasira bunga ng 115-106 pagkatalo ng Brooklyn Nets sa Sixers, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila).

Nagtala si Tobias Harris ng 24 points upang tulungan ang Sixers habang wala sina Embiid at James Harden.

Hindi naman nagpaapekto si Simmons sa pag-boo ng home crowd at ginawa ang trabaho niya sa Nets nang kumamada ng 11 points, 11 assists at seven rebounds.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 23 points at si Kevin Durant, 20 points. Naputol din sa 17 ang 25-point record ni Durant.

Tatlong minuto pa sa laro, inilabas ni Nets coach Jacque Vaughn ang kanyang starting lineup.

Hindi nangyari ang ­inaabangang marque matchup bunga ng sprained left foot ni Embiid, habang si Harden ay nagpapagaling pa sa tendon strain sa paa, at may broken left foot naman si Tyrese Maxey.

May three assists na si Simmons nang makakuha ng free-throw sa first quarter. Malakas na ‘boo’ ang isinagot ng fans pero naipasok pa rin niya ang dalawang basket at sinundan pa ito ng reverse layup makaraan ang ilang minuto.

Hindi tinantanan ng Sixers fans si Simmons, maging ng second-year player nito na si Georges Niang na natawagan ng technical foul dahil sa pagbangga kay Simmons.

Magugunitang hindi lumaro si Simmons sa kabuuan ng nakaraang season habang nasa Philadelphia. Bukod sa injury at personal reason, humiling ang player ng trade, hanggang natupad ito kapalit ni Harden.

Magpapatuloy ang three-game trip ng Nets sa Huwebes (Manila time) sa Toronto at ­Indiana sa Sabado (Manila time).

Habang hindi pa rin makalalaro si Embiid sa Huwebes (Manila time) laban sa Charlotte.

EX-WARRIORS
‘ALAS’ NG KINGS

HULING taong nagtala ang ­Sacramento Kings ng seven straight wins noong 2004.

At naulit ito kahapon via 113-109 win kontra Grizzlies sa FedEx Forum sa Memphis.

Hindi kagandahan ang panalo ng Kings ngunit pinatunayan ang kakayahan laban sa mas malalakas na team gaya sa Brooklyn Nets ilang araw na ang nakararaan.

“These last two [wins] weren’t pretty, but you know, you’re ­going to have games like this in the NBA and the most important thing is to go out and get that win,” lahad ni Domantas Sabonis sa NBC Sports matapos ang laro. “It wasn’t a game plan. I feel like it just happened; they sped us up; it was our first time being in that kind of situation and we’re going to watch a film, get better and be ready next time.”

Nanguna sa Kings si De’Aaron Fox, 32 points, pero may malaking ambag ang beteranong si Harrison Barnes, 26 points buhat sa 7-of-13 field shooting.

Ang 30-anyos na si Barnes ang naatasan ni coach Mike Brown maging lider nang unti-unti nang bumibitiw ang Kings sa laro.

“Harrison Barnes was big for us tonight,” komento ni Brown. “Obviously, he shot the ball well, had 26 points. But what I thought more than anything else was he really settled us down the stretch.”

Dagdag ni Brown: “Obviously, we were haywire out there going crazy. And Harrison just made some big plays down the stretch and knocked down some big free throws for us to help keep the lead.

So his veteran leadership showed up tonight.”

LAKERS TUNAW
SA SUNS

MAY tig-25 puntos sina Mikal Bridges at Devin Booker nang pangunahan ang Phoenix Suns sa 115-105 victory kontra Los Angeles Lakers sa Arizona.

Hindi lumaro si point guard Chris Paul, pampitong sunod na laro ng Suns, na tinalo ang ­Lakers sa ikalimang sunod sa regular season, at walo kung isasama ang huling three games ng kanilang 2020-21 playoff series.

Medyo nagkainitan sa bandang dulo ng fourth quarter nang sa nalalabing 3:55 ay pinatalsik sa laro si Lakers’ Patrick Beverley nang itulak si Phoenix’s Deandre Ayton, matapos tawagan ng foul si Booker laban kay Austin Reaves. Nabigyan si Booker ng flagrant-1 matapos i-review ang play, bago tuluyang na-foul out.

May double-double si Anthony Davis, 37 points at 21 rebounds para sa Lakers, galing sa three straight wins.

Ikalimang laro ito ng Lakers na wala si LeBron James (bagama’t nasa bench ay naka-street clothes), sanhi ng left adductor strain.

Umiskor si Lonnie Walker IV ng 24 points at si Russell Westbrook 21 points off the bench para sa Lakers (5-11). Nag-ambag naman si Reaves ng 11 at si Beverley, 10 rebounds sa 29 minutes.

Tumulong kina Bridges at Booker si Ayton, 14 points at 15 rebounds, tungo sa 11-6 baraha ng Suns.

NUGGETS PINAPAK
NG PISTONS

NAGTALA ng malaking panalo ang Detroit Pistons, sa kabila ng kakulangan sa player, laban sa host Denver Nuggets, 110-108.

Binalewala ng Pistons ang big game ni Nikola Jokic para sa upset win.

Nanaig ang shorthanded Pistons (4-15) sa Nuggets (10-7) at pinutol ang seven-game losing streak kasabay ng paghablot sa unang road win sa 2022-23 season.

Si Jokic, kagagaling lang sa health and safety protocols, ay nagsumite ng 26 points, 10 assists at eight rebounds sa kanyang ­unang laro mula noong Nobyembre 13.

Sina Bojan Bogdanovic (22 points, nine rebounds), Alec Burks (21 points), Kevin Knox II (17 points, seven rebounds) at Marvin Bagley III (14 points) ay pawang nagtala ng double figures para sa Detroit.

Nagposte ang Pistons ng game-high 13-point lead, 6:34 sa fourth, nag-rally ang Denver, 15-3 run. Inisplit ni Jokic ang dalawang free throws, 2:17 para gawing isa ang lead ng Detroit, 104-103.

Sa huling 1:36, swak ang dalawang free throw ni Burks para sa three-point lead ng Pistons. Na-airball naman ang tres ni Aaron Gordon at nakahirit si Burks ng midrange jumper para sa five-point advantage ng Detroit sa huling 50.6 seconds.

Wala sa lineup ng Pistons sina Cade Cunningham (left shin soreness), Isaiah Stewart (right big toe sprain) at Saddiq Bey (right ankle sprain).

27

Related posts

Leave a Comment