ERRAM OUT SA TNT vs MAGNOLIA

HINDI makalalaro si Poy ­Erram ngayon (Miyerkoles) sa unang game ng TNT sa 2022-23 PBA Commissioner’s Cup.

Kinumpirma ng liga, ­ngayon eepekto ang one-game ­suspension ni Erram mula sa Game Seven ng PBA Philippine Cup finals kung saan na-eject siya.

Na-thrown out siya sa laro matapos ang “hard foul” nang sikuhin niya sa mukha si San Miguel big man Mo Tautuaa, na nagtamo ng six stitches.

Matatandaang natalo ang TNT sa best-of seven final series at nabawi ng SMB ang titulo sa All-Filipino conference.

Bunsod ng suspensyon, mag-sit out muna si Erram sa laban ng Tropang Giga kontra Magnolia Hotshots. (DENNIS IÑIGO)

69

Related posts

Leave a Comment