EUROBASKET GOLD SINIKWAT NG SPAIN

NAGSANIB-PWERSA ang magkapatid na Juancho at Willy Hernangomez upang akayin ang Spain sa 88-76 win kontra France, Linggo (Lunes sa Manila) at ibulsa ang EuroBasket gold medal.

Umiskor si Juancho ng 27 points, five rebounds at two steals sa 26 minutong laro, may shooting 9-of-11 sa field, 7-of-9 (beyond the arc) at 2-of-2 sa FT line, habang 14 puntos naman kay Willy.

Sa panig ng France, nanguna si ex-Celtics shooting guard Evan Fournier, 23 points, three rebounds, two assists at steal.

Nagsumite naman ang teammates niyang sina Thomas ­Heurtel, 16 points, at Boston big man alum Guerschon Yabusele, 13 points, two rebounds at six assists.

Ito ang ikaapat na European championship ng Spain sa ­huling anim na pagsalang sa finals, apat dito sa ilalim ni Coach Sergio Scariolo.

Naposasan ng Spain si French Rudy Gobert ng Philadelphia at nagtala lang ng six points.

“Spain played better from start to finish,” komento ni Fournier. “They had a clear game plan and we did not execute ours well enough. … We never really had control of the game. They just played better, period.”

Ito ang simula ng rebuilding para sa Spain matapos magretiro ang magkapatid na Pau at Marc Gasol, long time leaders ng koponan. Nagretiro ang dalawa matapos ang quarterfinal loss kontra U.S. sa 2020+1 Tokyo Olympics.

Nagretiro na rin si Sergio ­Rodriguez matapos ang 16 years sa Spain national team, habang sina Serio Llull at Ricky Rubio hindi nakalaro sanhi ng injuries.

Bunga ng panalo, ang Spain ngayon ang reigning Basketball World Cup (napanalunan sa China noong 2019) at ­EuroBasket champion. Ikasampung medalya ito ng team sa huling 11 ­EuroBasket appearances.

Samantala, inangkin ng Germany ang bronze medal nang kaldagin ang Poland, 82-69.

Nagbida si Dennis Schroder para sa host Germany sa ambag na 26 points.

Unang EuroBasket medal ito ng Germany mula nang masungkit ang silver noong 2005.

WESTBROOK SA JAZZ,
CLARKSON SA LAKERS

BUHAY pa rin ang ‘trade issue’ kay Russell Westbrook.

Sa pinakahuling balita, kasalukuyang nag-uusap ang Los Angeles Lakers at Utah Jazz at posibleng maging kapalit ni Westbrook sina Bojan Bogdanovic, Jordan Clarkson at Malik Beasley.

Lalong lumakas ang tsikang tuloy ang trade ni Westbrook ­bunga ng pagpapapirma ng ­Lakers kay Dennis Schroder noong Huwebes.

“In recent conversations with the Jazz, the Lakers have ­targeted Bogdanović, Jordan Clarkson and Malik Beasley, ­according to league sources,” ayon sa isinulat nina Jovan Buha at Sam Amick ng The Athletic.

Magsisimula ang training camp sa Setyembre 26 kasabay ng Media Day. (VT ROMANO)

Related posts

Leave a Comment