F2 LOGISTICS, PNVF LEAGUE CHAMP

WINALIS ng F2 Logistics Cargo Movers ang lima nilang nakalaban para makopo ang kauna-unahang PNVF Champions League title.

Pinatunayan ng Cargo Movers ang bangis nila nang pabagsakin sa tatlong sets ang reigning PVL champions Chery Tiggo Crossovers, 25-20, 25-20, 25-22, para sa gold medal.

Bumida si Kalei Mau sa F2 Logistics nang magtala ng team-high 16 points, lahat mula sa attacks, at 19 receptions.

Nag-ambag si middle blockers Majoy Baron at Aby Maraño ng kabuuang 17 markers sa pinakamagandang record na 5-0 ng Cargo Movers.

Nagtapos ang Chery Tiggo, naglaro nang wala si PVL MVP Jaja Santiago, sa 3-2 panalo-talo para sa silver medal.

Nagsanib-pwersa sina Mylene Paat at Dindin Santiago-Manabat upang ma­agaw ng Tiggo ang lamang sa third set, 21-20, ngunit hindi pumayag si Kianna Dy nang makaiskor ito at nasundan pa ng back-to-back errors ng Crossovers.

Nakapagrehistro si Dy ng six points, at tinanghal na league MVP at Best Opposite Spiker.

Nakuha nina Ces Molina ng Petro Gazz Angels at Manabat ang Best Outside Spikers, habang si Iris Tolenada ng F2 ang Best Setter.

Sina Maraño at Maika Ortiz ang napiling Best Middle Blockers habang si Dawn Macandili ang Best Libero ng torneo.

Inuwi ng Petro Gazz ang bronze medal matapos payukuin ang Tuguegarao Perlas Spikers, 25-11, 26-24, 19-25, 25-20.

Fifth at sixth place naman ang California Precision Sports at Baguio Lady Highlanders sa PNVF Champions League.

2

Related posts

Leave a Comment