FIBA-POY SI THOMPSON

Ni ANN ENCARNACION

USAPANG Scottie Thompson pa rin, doble-saya ang pagtatapos ng 2022 para sa Gilas Pilipinas player makaraang tanghaling Asia’s Player of the Year ng FIBA.

Malaki ang naitulong ng mga boto ng Pinoy fans upang daigin ni Thompson si Brooklyn Nets at Japanese player Yuta Watanabe sa nasabing award.

Kabilang pa sa mga tinalo ng Gilas guard sina Wael Arakji ng Lebanon, Zhou Qi ng China, Dar Tucker ng Jordan, Sanchir Tungalag ng Mongolia, Benam Yakhchali ng Iran at Freddie Lish ng Thailand.

Kasama si Thompson sa Gilas sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na na-sweep ang Middle East road games kontra Jordan at Saudi Arabia noong nakaraang taon.

Wagi rin sa fan-voting ang PH national member na si Kai Sotto bilang Young Player of the Year (men’s), habang si Kristan Yumul ang Young Player of the Year (women’s).

39

Related posts

Leave a Comment