FIL-AM FENCER NAGMARKA SA 2020 +1 TOKYO

0

LUMALABAN man sa ilalim ng US flag, hindi maikakaila na may dugong Pinoy ang 2020 +1 Tokyo Olympics women’s foil gold medalist na si Lee Kiefer.

Tinalo ng Filipino-American na si Lee sa final ng women’s foil ang defending champion na si Inna Deriglazova ng Russia, 15-13, sa Makuhari Messe Hall noong Lunes.

Ang half Pinoy fencer ang itinuturing ngayon na kauna-unahang American na nagwagi ng gintong medalya sa nasabing sport sa Olympics.

Lingid sa kaalaman ng ­marami, si Lee ay anak ng tubong Tagum, Davao City na si Dr. ­Teresa Bacani-Kiefer at ng dati ring US fencer na si Dr. Steve Kiefer.

Kaya hindi lang mga taga-US ang nagbunyi sa panalo ni Lee kundi maging ang mga taga-Davao, partikular ang angkan ng Bacani-Oropilla.

Katunayan, matapos ang panalo ni Lee ay nagkaroon ng virtual Thanksgiving Party ang mga miyembro ng Bacani-Orpilla sa pangunguna ng kanilang 92-year old matriarch na si Teresita, isang retired pediatrician/psychiatrist na nakabase na sa Louisville, Kentucky, ayon sa SPIN.

Nabatid na nagsimula ang Olympic journey ni Lee noong 18-anyos lang siya sa 2012 London, na sinundan ng 2016 Rio kung saan hindi siya nakasungkit ng medalya.

Dahil sa pagkabigo ay muntikan na niyang i-give up ang kanyang pangarap, ngunit sa tulong ng kanyang pamilya ay bumalik siya sa kompetisyon.

At ngayon, makalipas ang limang taon, isa nang Olympic gold medallist si Lee. (ANN ENCARNACION)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment