GENSAN GYM DINAGSA SA LABAN NI PACMAN

gensan

GENERAL SANTOS –LIBO-LIBO na ang taong dumagsa para sa kapanapanabik na laban ni boxing champ Manny Pacquiao laban ka Adrien Broner.

Umaabot sa 3,000 tickets ang ipinamigay ng lokal na gobyerno para sa viewing ng bakbakan mula Las Vegas, kung saan dedepensahan ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association belt.

Bukod sa libreng panonood mayroon ding snacks ang inihanda ng lokal na gobyerno habang bantay sarado naman ng mga pulis, sundalo ang loob at labas ng gym.

“Bawal lang pumasok sa loob ang mga bladed weapons, baril at mga backpack. So far, wala pa naman kaming nahuli sa ngayon,” sabi ni Chief Inspector Peter Pinalgan.

Nag-sponsor din ng free viewing para sa 1,000 katao ang lokal na pamahalaan sa katabing probinsya ng Sarangani.

4

Related posts

Leave a Comment