GILAS ANGAT SA FIBA RANKINGS

UMAKYAT ang Gilas Pilipinas sa pinakabagong FIBA World ­rankings matapos ang matagumpay na kampanya sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Mula sa ika-41 ay bahagyang umangat ang nationals sa pang-40 sa FIBA rankings.

Matatandaang tinalo ng Gilas ang Jordan (74-66) at Saudi Arabia (76-63) para walisin ang kanilang road games sa fifth window.

At sa 5-3 panalo-talong record sa Group E, ang Gilas ay itinuturing ngayong ikawalo sa pinakamalakas na koponan sa Asya.

Samantala, Pilipinas ang magho-host sa sixth window ng Asian qualifiers sa Pebrero 2023, kung kailan makakaharap ng nationals ang Lebanon at Jordan sa ­Philippine Arena. (ANN ENCARNACION)

17

Related posts

Leave a Comment