GILAS NALAGASAN NG 1 PANG PLAYER

Ni ANN ENCARNACION

NABAWASAN na naman ng isang manlalaro ang Gilas Pilipinas.

Ito’y makaraang ­magpasyang lumipat sa Japan B.League si Roosevelt Adams, top pick ng T­errafirma sa 2019 PBA draft class.

Nabatid na kamakalawa pa pumirma si Adams sa Division 2 team na Kagawa Five Arrows ng Japan league.

“Very grateful for this opportunity and super excited to meet everyone,” pahayag ni Adams. “Looking forward to creating great relationships and memories this season!”

Si Adams ay naglaro pa sa Gilas kontra Saudi Arabia sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Umaasa si Dyip head Coach Johnedel Cardel na makukumbinsi pa nilang bumalik sa koponan si Adams.

Maliban kay Adams, ang iba pang Pinoy players na kabilang sa Division 2 ng B.League ay sina Kobe Paras, Jordan Heading, at Greg Slaughter.

Related posts

Leave a Comment