GINEBRA NA!

MAAGANG tinapos ng Barangay Ginebra ang 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup semifinals series nila ng Magnolia Chicken Timplados, Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena.

Pinaabot lang ng Gin Kings sa Game 4 ang dapat ay best-of-five series nila ng Hotshots, 99-84, upang tuluyang umabante sa finals.

Kumamada ang Gin Kings sa second quarter at pagdating ng third ay tuluyang isinara ang ‘Manila Clasico’ sa 3-1 record.

Nanguna sa Ginebra sina Justin Brownlee, LA Tenorio, at Japeth Aguilar na ibinigay ang kanyang “best performance” upang tiyakin ang paglalaro ng team sa mismong Araw ng Pasko, na simula ng best-of-seven finals series.

Sa nasabi pa ring laro, na-eject si Kings’ Christian ­­Standhardinger matapos batuhin ng bola si Hotshots’ import Nick Rakocevic sa first quarter.

Tinawagan si Standhardinger ng flagrant foul penalty 2, na ­automatic ejection, 6:17 minuto sa first quarter nang ibato niya ang ‘dead ball’ sa likod ni Rakocevic.

Pagdating ng third quarter, ang aminadong napikon na si Rakocevic naman ang napituhan dahil sa flagrant foul penalty one.

54

Related posts

Leave a Comment