GINEBRA’s WORLD GIN DAY

WALANG hamon na hindi malalagpasan ang mga Pinoy.

Ito ang pinatunayan ng Barangay Ginebra matapos ­muling magkampeon sa ika-apat na pagkakataon sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup.

Matatandaang dinaig ng Ginebra ang Meralco Bolts, 103-92, para tapusin ang best-of-seven final series sa rekord na 4-2. Kaya sa 47th season’s Philippine Cup, paboritong manalo ang Gin Kings.

At kasabay nang unti-unting pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic, ipinagdiwang muli ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang World Gin Day (WGD) noong Hunyo 10 sa Makati Diamond Residences at Gin Bar Crawl challenge sa buong bansa noong Hunyo 11.

Dalawang taong naudlot dahil sa pandemic, nakapaloob sa one-month celebration ang Gin Bar Crawl challenge tuwing Sabado sa buong buwan ng Hunyo, ayon kay GSMI AVP and Marketing Manager Ronald Rudolf C. Molina.

Nagsimula ang WGD noong Hunyo 13, 2009 sa Birmingham, England habang inilunsad ng GSMI ang unang WGD celebration sa Asia Pacific region noong 2014, kasabay sa pagdiriwang ng ika-180 taon ng flagship brand, Ginebra San Miguel.

Mula noon, taon-taong nang hinihintay ng mga Pinoy ­gin-enthusiast ang WGD lalo ang bar crawl challenge tampok ang apat na produkto ng GSMI: Ginebra San Miguel, GSM Blue, GSM Premium Gin, at 1834 Premium Distilled Gin. (DI)

100

Related posts

Leave a Comment