GM GONZALES SABAK AGAD SA TRABAHO

HINDI pa man ganap ­nakakarekober sa stroke ay balik-trabaho na si National Chess Federation of the ­Philippines (NCFP) chief executive officer GM Jayson Gonzales.

Katunayan, agad nag-courtesy call si Gonzales kasama si national women’s chess champion WGM Janelle Mae Frayna at national coaches kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala kahapon.

Si Frayna at national chess team ay katatapos lang lumahok sa 44th World Chess Olympiad sa Chennai, India.

Na-upset ng national men’s squad ang Norway (2.5 – 1.5), nakatabla nila sa 32nd place sa pagtatapos ng torneo. Samantala, nagkasya ang women’s team sa 37th place.

Maituturing na tagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa 2022 World Chess Olympiad, kung saan noong 2018 ay tumapos lang sa 67th place ang mga Pinoy. (ANN ENCARNACION)

5

Related posts

Leave a Comment