GOLD, NEW RECORD TINUHOG NI OBIENA

Ni ANN ENCARNACION

DOBLE panalo si pole vault world No. 3 at Asian record holder Ernest John “EJ” ­Obiena sa Gala dei Castelli sa Bellinzona, Switzerland nang makamit ang gintong medalya at magtala ng bagong meet record, Martes (Manila time).

Tumalon ang Olympian at SEA Games record holder na si Obiena ng 5.81 metro, sapat para sa gold at bagong meet record.

Nagsimula si Obiena sa 5.61m at na-clear niya ito sa dalawang pagtatangka. Agad niyang nalampasan ang 5.71m, bago nakuha ang 5.81m sa ikalawang pagtalon.

Tinangka niyang i-reset ang kanyang national at Asian mark na nakaugalian na niya ngayong season, ngunit nabigo siyang ma-clear ang 5.95m.

Hawak ni Obiena ang national at Asian record na 5.94m.

Pumangalawa (silver) sa torneo si world No. 2 ­Christopher Nilsen ng United States, at pumangatlo (bronze) si Renaud Lavillenie ng France.

Nagawang tumalon ng 5.71m nina Nilsen, Lavillenie, at Amerikanong si Jacob Wooten, ngunit binasag ang three-way tie sa pamamagitang ng countback.

Ang Gala ang ikaanim na titulo sa walong European tourney ni Obiena ngayong season. Una siyang nagwagi sa Stabhochsprung sa Jockgrim; True Athletes Classics sa Leverkusen; at Saint Wendel City Jump sa Sankt Wendel, pawang sa Germany.

Panalo rin siya sa Golden Fly Series sa Liechtenstein at Memorial van Damme Diamond League meet sa Brussels, Belgium kung saan na-upset niya si world No. 1 Mondo Duplantis ng Sweden.

Nag-bronze rin ang 26-anyos na Pinoy sa Athletissima sa Lau­sanne, Switzerland at silver sa ISTAF sa Berlin, Germany.

73

Related posts

Leave a Comment