GOVERNOR’S CUP IMPORTS HALOS KUMPLETO NA

MAGKAHALONG luma at bagong imports ang maglalaro sa PBA Governor’s Cup.

Sina Justin Brownlee, KJ McDaniels, Michael Qualls, Jonathon Simmons, at Erik McCree ay kabilang sa mga pamilyar at beteranong mapapanood sa 2022-23 PBA season-ending conference.

Si Brownlee pa rin ang napilli ng Barangay Ginebra sa pagtatanggol nila ng kanilang Governor’s Cup title.

Tatapusin naman ni McDa­niel ang kanyang misyon para sa ­Meralco Bolts na nagsimula sa Commissioner’s Cup.

Si Qualls, naglaro sa NorthPort noong 2019, muling magbabalik ngunit bilang parte na ng Rain or Shine.

Si Shawn Glover ay hihirit ng isa pang tour of duty sa Blackwater, gayundin si Du’Vaughn Maxwell sa Phoenix.

Pangungunahan naman ng former NBA player na si Simmons ang mga bagong imports sa PBA sa kanyang pagentra sa NLEX. Ang 33-anyos na si Simmons ay dating naglaro para sa San Antonio Spurs, Orlando Magic at Philadelphia 76ers.

Si McCree, isang beterano sa European League, ang na-tap ng Magnolia.

Kinuha naman ng Converge si Ethan Rusbatch, isang miyembro ng New Zealand Tall Blacks na dalawang beses tinalo ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian qualifier noong nakaraang taon.

Samantala, nagpasya ang San Miguel at TNT na sumugal kina Marcus Weathers at Jalen Hudson, ayon sa pagkakasunod. (ANN ENCARNACION)

37

Related posts

Leave a Comment