GRAND SLAM ASAM NI EALA

MABIGAT ang hamon ni newly crowned 2022 US Open Juniors singles champion Alexandra “Alex” Eala sa kanyang sarili– umangat sa WTA Top 100 at magkwalipika sa Grand Slam.

“As I’ve said before, women’s Grand Slams are definitely in my radar,” sabi ng 17-anyos na Rafa Nadal scholar. “I wouldn’t say that I’m so far from getting into qualifying, but that will of course depend on my performance in the next couple of months.”

Matatandaang tinalo ni Eala si Lucie Havlickova ng Czech Republic upang angkinin ang US Open Juniors singles title noong Setyembre 10 sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York City.

Ito ang ikatlong juniors title, kabilang ang dalawang doubles, ng Pinay teen ace na WTA ranked 288th ngayon.

Kailangan ni Eala akyatin ang Top 104 upang mag-qualify sa pinakamimithing Grand Slam.

Nagsimula na siyang maglaro sa pro-ranks noong Marso 2020 sa Monastir at sa loob ng dalawang taon ay nakakolekta ng dalawang titulo sa ITF singles at isang runner-up finish sa doubles. (ANN ENCARNACION)

Related posts

Leave a Comment