GRIZZLIES SOPLA SA BUCKS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

KINAPOS ng tatlong assists si Giannis Ante­tokounmpo para sa kanyang ikaapat ­sanang triple-double sa season, sa 126-114 win ng Milwaukee Bucks kontra Memphis Grizzlies, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa Wisconsin.

Unang road loss ito ng Grizzlies mula noong Disyembre 23.

Nangulekta si Anteto­kounmpo ng 33 points, 15 rebounds at seven assists, may 12-of-25 shots para tulungan ang Bucks makawala sa two-game skid.

Tumulong si Khris Middleton ng 27 points at sina Bobby Portis at George Hill, tig-14 puntos. Nag-ambag naman si Pat Connaughton ng 13 points off-the-bench.

Bukod sa 47.9% shooting (46 of 96) sa field, dumalas din ang trip ng Bucks sa free-throw line, 21-for-22.

Sa panig ng Grizzlies, kinulang din si Ja Morant ng dalawang rebounds sa kanyang triple-double, 33 points, 14 assists at eight rebounds. Nag-ambag naman si Jaren Jackson Jr. ng 29 points, nine rebounds at four blocks (9-of-20 shooting) at nag-deliver si Brandon Clarke ng 14 points (off the bench).

Ang 8-0 run sa fourth, nagawang maibaba ng Memphis ang deficit sa tatlo, 2:32 pa, ngunit sumagot ang Bucks ng walong sunod na basket, sapat para hindi na makahabol ang Grizzlies.

Bunga nang pagkatalo, naputol ang six-game road swin run ng Memphis, pero ikalawang talo lang sa buwan ng Enero.

Isinara ng Milwaukee ang halftime sa 14-point lead buhat sa 17-4 run na nagsimula sa ­second quarter, kung saan si ­Antetokounmpo ay may 17 points, habang 16 points
naman si Morant.

Nahirapan ang Memphis makakuha ng puntos sa labas ng arko sa first half, mayroon lamang 4-of-23 (17.4%). At tanging kay Morant lang galing ang apat na 3-pointers.

BULLS BUMALIKWAS
KONTRA CAVS

TINAPOS nina DeMar DeRozan, may 30 points at Nikola Vucevic 24 points, ang four-game losing streak ng Chicago Bulls makaraang talunin ang Cleveland Cavaliers, 117-104.

Si Ayo Dosunmu, may 18 points at eight assists at si Coby White, 16 points para sa Bulls, na pinutol din ang five-game win run ng Cavs.

Hindi sumuko ang Chicago sa magandang laro ni Cleveland’s Lauri Markkanen, dating Bull, na may season-high 28 points mula sa 9-of-14 shooting.

Makaraang malama­ngan ng 11 points sa fourth quarter, naibaba ito ng Cavs sa one point, 103-102, 4:18 pa.

Pero, rumesbak ang Bulls nang 14-2 run para tapusin ang laro.

Si Darius Garland ay may 20 points at 12 assists para sa Cleveland, habang si Evan Mobley, 18 points) at Kevin Love, 13. ­Nagsumite naman si Jarrett Allen ng 10 boards.

Nagbalik na rin sa Chicago lineup si Alex Caruso mula nang lumiban noong Disyembre 20. Nakatakda sana syang sumalang muli sa unang linggo ng Enero nang makarecover sa left foot sprain, ngunit nag-positibo naman sa ­COVID-19.

Lumaro si Caruso sa ilalim ng ‘team-imposed minutes restriction’ at nag-ambag ng nine points sa 22:55.

Habang inilalayo ng Cleveland ang iskor sa third quarter, bumato si Caruso ng 3-pointer sa 3:01 mark, at layup makaraan ang 29 segundo, na tumulong para sa 11-point lead ng Bulls.

Abante ang Bulls, 58-49 sa halftime, nang ma-overcome ag 2-for-9 struggles sa 3-point range tungo sa 55.8% shooting sa field.

Nananatiling absent sa Chicago sina starters Zach LaVine at Lonzo Ball, parehong may left knee injuries.

Itinabla rin ng Chicago ang season series, matapos matalo ng 23 points sa Cleveland noong Disyembre 8. Muling maghaharap ang dalawang koponan ng dalawang beses sa Marso para tapusin ang regular-season series.

NETS NILIGTAS
NI IRVING, ALDRIDGE

NAGSANIB-PUWERSA sina Kyrie Irving, 30 points at LaMarcus Adridge, may season-high 27 points (off the bench), upang akayin ang Brooklyn Nets sa dikitang 119-118 kontra ­Washington Wizards.

Dalawang beses nilusaw ng Washington ang 16-point deficit at nilagay sa 1-point game, huli nito ang 3-pointer ni Kyle Kuzma sa huling 36.6 seconds.

Bin-lock ni Wizards’s Montrezl Harrell ang jump shot ni James Harden, ngunit bigo naman si Kuzma mailusot ang 3-point attempt sa huling 4.7 seconds.

Nagtala si Irving ng 13-of-23 shots sa floor, kasama ang 9-of-12 sa first half. May 63% shooting ang Brooklyn at kinuha ang 74-62 lead sa break.

Habang si Aldridge ay nagsalaksak ng 11-of-15 shots para burahin ang ­sariling season-high point total na 24, inilista niya sa 109-99 win kontra Cleveland Cavaliers noong ­Nobyembre 17.

Nagdagdag naman si Harden ng 18 points, nine assists at eight rebounds para sa Nets, umangat sa 1-1 sapol nang ma-sprain si Kevin Durant noong naka­lipas na Sabado laban sa New Orleans Pelicans.

Nakapag-ambag din si Brooklyn’s Patty Mills ng limang 3-pointers at may total 17 points.

Tinapos ni Washington’s Bradley Beal ang laro na may team-high 23 points, sa kabila ng 7-of-18 shooting sa floor at may nine assists.

May 16 points si Kuzma at sina Harrell at Rui Hachimura, tig-14 para sa Wizards, ikalawang talo sa tatlong laro.

Kinumpleto ng Nets ang 41-point second quarter ng mga huling basket at iangat sa 12 ang abante sa halftime.

SIXERS BINUHAT
NI EMBIID vs MAGIC

UMISKOR si Joel Embiid ng 50 points, tabla sa kanyang career-high, may kasamang 12 rebounds at three blocked shots, sa pag-akay sa host Philadelphia 76ers sa 123-110 win laban sa Orlando Magic.

Si Embiid ay may 17-of-23 shooting (field) at 15-of-17 sa free throw line. Ito ang 17th career game ni Embid na may at least 40 points at 10 rebounds.

Nagdagdag si Tobias Harris ng 21 points, habang nag-ambag si Tyrese Maxey ng 14 at 10 mula kay ­Georges Niang para sa ­Sixers.

May 7-of-8 3-point attempts naman si Mo Bamba, career-high 32 points at 3 blocks bago na-fouled out para sa Magic.

Nakapag-contribute din si Chuma Okeke ng 18 points, habang si Jalen Suggs, 14 at Cole Anthony, 13. Tumapos din si Franz Wagner na may nine points at 11 rebounds.

Ang ikalimang 3-pointer ni Bamba ay nagbigay sa Magic ng 46-44 lead, 4:09 sa second period. Kasunod nito, nakahablot ng rebound si Mamba at umiskor para sa four-point edge ng Magic, tinanganan ang 57-47 halftime lead, salamat sa seven treys at 28 points ni Bamba.

Naging agresibo ang Sixers sa third at nabawi ang abante, 64-63 mula sa 3-pointer ni Maxey, 7:55 pa sa laro.

Ipinagpatuloy lang ni Embiid ang pagdomina, drive sa basket at reverse layup para ipagkaloob sa Sixers ang 76-70 advantage sa huling 5:23.

Isang short jumper ni Suggs sa 1:25 ang naglapit sa Magic, 86-80.

Pero, bumawi si Isaiah Joe ng tres sa sumunod na posesyon ng Sixers.

Naglista si Embiid ng 23 points sa third nang hawakan ng Philadelphia ang 94-80 edge sa pagtatapos ng quarter.

Agad umabante ang Sixers, 103-84 sa pagsisimula ng fourth mula sa three-point play ni Andre Drummond.

Napituhan pa si Robin Lopez ng technical foul, nang umabot na sa 20 ang hinahabol ng Orlando, 8:36 pa.

Nagbalik si Embiid, 7:23 sa laro at matapos mai-shoot ang tatlo sa apat na free throws, lumabas na may 50 puntos.

Sa iba pang mga resulta, tinalo ng Charlotte Hornets ang Boston ­Celtics, 111-102; habang wagi naman ang Miami Heat kontra Portland Trail Blazers, 104-92.

Nanaig din ang Atlanta Hawks laban sa Minne­sota Timberwolves, 132-122 at nagwagi ang Dallas Mavericks, 102-98 laban sa Toronto Raptors.

Habang ang dalawang Los Angeles teams, ­Lakers at Clippers ay bagsak sa magkahiwalay na kasagupa. Lagapak ang Lakers sa Indiania ­Pacers, 111-104 at sa Denver Nuggets naman ang Clippers, 130-128.

88

Related posts

Leave a Comment