GRIZZLIES-WARRIORS TABLA

DETERMINADO si Ja Morant at ang Memphis Grizzlies maitabla ang serye.

Umiskor ang Grizzlies star ng 47 points sa ‘tight at physical matchup’ tungo sa 106-101 win kontra Golden State Warriors, sa Game 2 ng kanilang ­Western Conference semifinals series sa FedEx Forum sa Memphis (Miyerkules sa Manila).

Bunga ng panalo, tabla ang serye sa 1-1 bago lilipat sa Chase Center sa San Francisco sa Sabado para sa Game 3.

Hawak ng Grizzlies ang five-point haftime lead matapos ang sobrang pisikalang laro, pero, para kay Warriors coach Steve Kerr “dirty” first half.

Halos isang minuto pa lamang sa laro nang ma-eject si Grizzlies forward Dillon Brooks, matapos niyang habulin sa ere si Warriors’ guard Gary Payton II sabay hampas sa ulo nito.

Ilang minutong nasa sahig si Payton II habang namimilipit sa sakit, matapos niyang maitukod sa pagbagsak ang kaliwang braso.

Tinawagan si Brooks ng Flagrant 2 foul at otomatikong sinipa sa laro. Sablay ang unang free throw ni Payton, at pumasok ang ikalawa, bago niya nilisan ang laro para ma-X-ray ang kaliwang siko at hindi na bumalik pa sa laro.

Mintis sa unang tatlong shots si Brooks sa Game 1 (3-of-13) at sinabing dapat nanalo ang Memphis kung pumasok ang kanyang mga attempt.

At ang kanyang trabaho para sa Game 2: bantayan si Stephen Curry.

Makalipas ang ilang minuto, iniwan ni Warriors star Draymond Green ang game at nangailangang tahiin ang ibabaw ng mata nito nang matamaan din ng siko. Habang papalabas ng court, sinisenyasan ni Green ang fans ng kanyang ‘middle finger,’ at ­inaasahang pagmumultahin siya ng liga sa nasabing gesture.

“That wasn’t physical,” himutok ni Warriors coach Steve Kerr sa TNT habang naka-break. “That was dirty.”

Nagpatuloy ang laro, unti-unting binawasan ng Golden State ang abante ng Memphis, hanggang makuha ang lead, mula sa layup ni Jordan Poole at ang mahigpit na depensa ng Warriors ay nagpatameme sa Grizzlies sa halos apat na minuto.

Sa huling dalawang minuto, muling inakay ni Morant ang Grizzlies pabalik sa lead, kasama na ang dalawang free throws.

Bukod sa 47 points, si Morant ay may eight rebounds at eight assists mula sa shooting 15-of-31 (field). Kabilang na rin siya kina LeBron James at Kobe Bryant na nakapag­tala ng multiple 45-point playoff games bago tumuntong sa edad 23.

Nagdagdag para sa Memphis si Ziare Williams, 14 points, five rebounds at assist, habang si Jaren Jackson Jr. 12 points, seven rebounds at assist at 10 points, 3 rebounds mula kay Brandon Clarke.

Sa panig ng Golden State, naglista si Curry ng 27 points, nine rebounds at eight assists, kasunod sina Jordan Poole (20-3-5), Andrew Wiggins (16-9-2), Klay Thompson (12-2-3), Green (6-10-7).

CELTICS-BUCKS
1-1 DIN

RUMESBAK ang Boston Celtics kontra ­defending champion Milwaukee Bucks sa tambakang Game 2, 109-86 sa TD Garden (Miyerkules sa Manila) para maitabla ang serye.

Naisagawa ng ­Celtics ang pagsira sa transition game ni Giannis ­Antetokounmpo at ng Bucks, nang puro pukol ang kanilang gawin sa opening half pa lamang ng laro.

Si Jaylen Brown, umiskor ng 25 points buhat sa 9-of-10 shooting (5-of-5 sa 3-point range) sa ­unang dalawang quarters at naitala ng Celtics ang 13 ng kanilang 20 open 3-point attempts tungo sa 25-point lead sa break.

Sapat iyon para pigilan ang Bucks, nang sumablay ang 3s habang nag-init naman si Antetokounmpo sa third.

Tinapos ni Brown ang laro na may total 30 points, habang si Jayson Tatum, 29 points at naging ­malaking contributor sa second half. Nagdagdag si Grant Williams ng 21 points, habang may 11 points at 11 rebounds si Al Horford at 10 points buhat kay Robert Williams III para sa Celtics, na-outscore ang Bucks 60-9 sa 3-point line.

Top scorer sa Milwaukee si Antetokounmpo, 28 points mula sa 11-of-27 field goals, nine rebounds, seven assists at may six turnovers.

Lilipat ang Eastern Conference semifinals sa Milwaukee para sa Game 3 sa Sabado (Linggo sa Manila).

Umiskor si Brown ng 10 points sa four shots ng opening six minutes, halos kapareho ng kanyang output sa Game 1, nang agad ­kunin ng Boston ang 18-3 lead. Nakapagbato ang Boston ng lima mula sa unang anim na 3-pointers.

Naibaba ng Bucks sa single digits ang abante ng Celtics bunga ng shot-clock violation at dalawa pang fouls.

Sablay si Antetokounm-po sa kanyang first six field-goal bago ang dunk na bumawas sa deficit, 27-19.

Isa pang 3-pointer ni Brown at last-second layup ni Tatum sa final minute ng first quarter ang muling nagtulak sa Boston sa 11-point lead at buhat doon, hindi na nilingon pa ng Celtics ang kalaban. Nang matapos ang halftime, abante ng 15 puntos ang Celtics, 65-40, mula sa 13-of-20 3-point attempts na halos lahat ay wide open at ang 59% field goals.

Hindi rin kinakailangan ng Celtics ang serbisyo ni Defensive Player of the Year Marcus Smart, nagkataong may right quad contusion natamo sa Game 1, kaya’t nasa bench lamang ng Boston.

Inilagay ni Boston coach Ime Udoka si Grant Williams bilang depensa kay Antetokounmpo. Nagawa niya, katulong si Horford na pigilan ang two-time MVP sa five points (2-for-12 shooting) sa first half, bago napilitan ang Greek player ipuwersa ang sarili para makakuha ng puntos sa second half.

Ang 10-0 run ng Milwaukee sa third ay nagawang maibaba ang deficit sa 72-56, ngunit humirit si G. Williams ng ikaapat na ­3-pointer at ibalik sa 19-point lead ang Boston.

Hindi pa rin sumuko ang Bucks, naidikit ang iskor sa 94-82 mula sa dalawang free throws ni Antetokounmpo, 4:30 pa sa laro, pero sinagot ng Celtics ang bawat basket ng Milwaukee.

HERRO, SIXTH
MAN OF THE YEAR

NAGLISTA si Tyler Herro ng kasaysayan sa Miami Heat matapos siyang tanghaling NBA’s Sixth Man of the Year, isang araw bago ang Game 2 ng kanilang Eastern Conference semis match up kontra Philadelphia 76ers.

Siya ang unang player sa Heat franchise na nakakuha ng nasabing karangalan.

Si Herro ay naga-­average ng career-high 20.7 points, five rebounds at four assists (off the bench) ngayong season. Mayroon din siyang impresibong 44.7% sa field at halos 4-0% sa 3-point line.

Ang 22-year-old player, may averaged 12.8 points sa panalo ng Heat sa first round kontra Atlanta Hawks, ay nagtala ng 25 points sa Game 1 win laban sa Sixers noong Lunes.

Nakakuha si Herro ng 96 first-place votes para sa award at may 488 points, doble ang layo mula kay Cleveland Cavaliers ­veteran Kevin Love, pumangalawa. Nasa ikatlong pwesto si Phoenix Suns forward Cam Johnson, pang-apat si Utah Jazz guard Jordan Clarkson at panglima si Luke Kennard ng Los Angeles Clippers.

Si Herro ang unang Heat player na nagwagi ng league-wide award, sapul nang si LeBron James ay maging MVP noong 2012-13 season.

74

Related posts

Leave a Comment