HARDEN, SIXERS BINUSALAN NG NETS

SUMUGOD ang Philadelphia 76ers fans sa kanilang homecourt upang i-boo si Ben Simmons, ngayon ay nasa Brooklyn Nets na. Ngunit sa huli, sariling team na nila ang kanilang na-boo.

Kinayod ni Kevin Durant ang 18 sa kanyang kabuuang 25 points sa first half sa 129-100 blowout win ng Nets kontra 76ers, Biyernes (Manila time) sa “much-hyped return” ni Simmons sa Philadelphia.

Nagdagdag si Seth Curry ng 24 points, at si Kyrie Irving ay may 22 para sa Nets, na kahit nasa eighth place sa East ay itinuturing na legit conference contender.

Bagama’t lumaban ng husto si 76ers’ Joel Em­biid sa iniskor na 27 points at 12 rebounds, natameme naman ang bago niyang ka-tandem na si James Harden nang tumapos na may 11 points lang.

Tinaguriang “Boo Ben” night, noong una ay masigla ang fans sa pag-boo kay Simmons kahit hindi naman ito naglaro para sa Nets, ngunit ang pang-aasar nila ay natuon sa kanilang 76ers team nang tambakan ng visitors, 72-51 sa pagtatapos ng first half at pinalobo pa ito sa 32-point deficit sa third quarter.

“I think all of us look at Ben as our brother,” pahayag ni Durant matapos ang laro. “We knew this was a hostile environment. It’s hard to chant at Ben Simmons when you’re losing by that much.”

Hindi pa rin nakapaglaro si Simmons at nagkasya sa panonood lang sa bench dahil sa iniindang back injury.

Mula 76ers, ang three-time All-Star ay na-trade sa Nets kapalit ng 10-time All-Star at former MVP na si Harden.

“We definitely felt like Ben was on our heart,” sabi naman ni Irving. “If you come at Ben, you come at us.”

Samantala, pagkalipat sa bagong team ay agad nagpasiklab si Harden at tumulong sa limang sunod na panalo ng East’s third seed 76ers, bago pinatahimik ng Nets na nilimitahan siya sa 14 of 17 field-goal attempts.

“We just didn’t have the pop that we needed,” depensa naman ni Harden sa kanilang unang kabiguan sa anim na laro.

Sa kabilang banda, si Simmons ay sinalubong ng boos mula sa pagsakay niya sa team bus hanggang shootaround sa Nets’ downtown hotel. Sa kabila nito, nagpaunlak siya sa ilang fans na nagpa-autograph sa kanya, habang may mga video na kumalat kung saan maririnig ang: “Why the grievance? Why spit in the face of Sixers fans? We did nothing but support you for five years, Ben. You know that.”

Hanggang sa loob ng arena ay hindi tinantanan ng boo ng Sixers fans si Simmons, na umasiste sa bagong kakamping si Patty Mills sa warmup shots nito. Hindi rin siya lumapit sa mga dating teammates, bagama’t pagsapit ng halftime ay niyakap niya ang isang 76ers official at nakipag-fist pump siya kay coach Doc Rivers.

“Looked good to me, looked happy to be here,” obserbasyon naman ni Nets coach Steve Nash. “I think he was happy to get it out of the way.”

Ang obserbasyong ito ni coach Nash ay pinatunayan ng Nets fans na nag-chant ng: “BEN SIM-MONS! BEN SIM-MONS!” nang bago pa matapos ang laro ay isa-isa nang nag-alisan ang Sixers fans.

Kabaligtaran kay Simmons, naging mainit naman ang pagtanggap ng fans sa mga dating 76ers na sina Curry at Andre Drummond, na nakasama sa Simmons for Harden trade. Si Curry ay may 10 of 14 shots, kabilang ang 4 of 8 from 3-point range, habang si Drummond ay may seven points at ­seven rebounds para sa Nets.

Samantala, nilampasan ni Harden si Reggie Miller bilang third sa NBA’s 3-point list nang maipasok ang 2,561st trey, 6:47 minuto ang nalalabi sa first quarter.

WARRIORS NAKAGANTI SA NUGGETS

KINAMADA ni Stephen Curry ang 24 sa kanyang 34 points sa second half, at inakay ang bisitang Golden State Warriors sa closed game victory sa Denver Nuggets, 113-102.

Nag-ambag si Jordan Poole ng 21 points, habang sina Jonathan Kuminga at Klay Thompson ay kapwa nagdagdag ng tig-18 points para sa Warriors.

Unang beses na tinalo ng GSW ang Nuggets ngayong season. Panalo ang Denver sa unang three games, ang huli ay noong Lunes (Manila time) kung kailan ipinahinga sa laro sina Curry, Thompson at Andrew Wiggins.

“We just stuck with it,” ani Poole. “We fought the entire 48, a lot of guys stepped up. We were really able to lock in on the defensive end in the fourth quarter.”

Para sa Denver, ­nangunang muli si Nikola Jokic sa kanyang 23 points, 12 rebounds at nine assists, habang si Monte Morris ay may 19 points.

“It was a great second half, terrible first half, so I’m proud of the way the guys responded,” sabi ni Warriors coach Steve Kerr. “It was a much-needed win and hopefully we can put together a little streak here.

“The first half, we were taking lousy shots. I’m ­going to continue to stress to all of our guys, ­including Klay, got to get good shots. It gives our games a ­balance. We have about 15 games left and we have to get better from here.”

Angat ng siyam ang Nuggets sa first half, pagdating ng third quarter ay na-recharge si Curry at kumayod ng 18 points kabilang ang head-spinning 3-pointer mula sa 33 feet.

Pagdating ng fourth lamang ang Golden State, 88-84, ngunit hindi naipagpag ang Denver, na ­muling nakuha ang abante, 102-100 sa pair of free throws ni Aaron Gordon sa ­nalalabing 3:10 minuto, na naging huling iskor na rin ng Nuggets.

Naipasok ni Curry ang bola sa magkasunod na possessions para 104-102 lead, bago ito sinundan ng back-to-back trey ni Poole mula sa consecutive ­turnovers ng Denver.

97

Related posts

Leave a Comment