KINOLEKTA ni Kyrie Irving ang 15 sa kanyang 28 points sa fourth quarter, habang may 26 points si Kevin Durant at season-high 16 rebounds nang maitakbo ng Brooklyn ang 108-107 win laban sa short-handed Hawks sa Atlanta para sa 10th straight win ng Nets.
Ang nasabing winning streak ay pinakamahaba sa NBA ngayong season at Nets’ longest mula nang itala ang 10 noong 2005-06. Ang 2002-03 team ay wagi rin ng 10 straight. Habang ang franchise record ay 14, itinala noong 2003-04 at 2005-06.
Hawak ngayon ng Brooklyn ang 23-12 baraha, bukod sa wagi ng 14 sa 15 games.
Nakuha ng Brooklyn ang 81-80 lead buhat sa layup ni Yuta Watanabe sa final minute at unang lead ng team mula 33-32.
Umiskor si Irving ng walong sunod sa fourth at inilagay ang Nets sa 93-82 lead at pinangunahan ang 17-3 run, bago nag-timeout ang Hawks.
Ang injury-riddled Hawks (17-18) ay sumabak na wala ang leading scorer nitong si Trae Young, leading rebounder Clint Capela at starting forward De’Andre Hunter.
Iniscratch si Young bago ang tipoff sanhi ng left calf contusion, habang bago pa man ang laro ay wala na sa lineup sina Capela at Hunter.
Nagtala si Dejounte Murray ng 24 points at si John Collins, 21 para sa Atlanta, nagawang maitabla ang iskor sa 104-104 mula sa 3-pointer ni Aaron Holiday, pero bigong makaabante sa final minute ng fourth.
Tumapos si Onyeka Okongwu may 18 points at season-high 13 rebounds.
Sa iba pang resulta: Washington 107, Phoenix 102; New Orleans 119, Minnesota 118; Chicago 119, Milwaukee 113 (OT); Golden State 112, Utah 107; Sacramento 127, Denver 126. (VT ROMANO)
