HAWKS SOPLA SA BUCKS

KINOLEKTA ng Milwaukee Bucks ang ikaapat na panalo sa limang laro, nang daigin ang host Atlanta Hawks, 114-105.

Sa kakaibang senaryo ng laro, sina Jrue Holiday, 27 points at Brook Lopez, 20 points at 12 rebounds, ang nanguna sa opensa ng Bucks.

Si superstar Giannis Antetokounmpo ay mayroon lamang seven points, pero humablot ng 18 rebounds at 10 assists, habang si Bobby Portis II, 13 points at 10 rebounds.

Hindi lumaro sa Hawks sina Trae Young at Clint Capela, pero nagawang burahin ang 24-point deficit sa umpisa ng third nang itabla ang iskor, 101-all mula sa fastbreak-layup ni John Collins, 4:05 sa quarter. Nakuha ang ­unang lead buhat sa baseline jumper ni Bogdan Bogdanovic, may 22 points at may 16 puntos naman si De’Andre Hunter.

Ngunit sumagot si Lopez ng corner 3-pointer at inilatag ng Bucks ang 10-0 run para bawiin ang kalamangan hanggang dulo.

Dahil sa karamdaman, hindi nakalalaro si Young, nag-a-­average ng 27.3 points at 9.8 assists kada-laro, habang ang ­leading ­rebounder na si Capela ay may iniindang straight right calf. (VT ROMANO)

29

Related posts

Leave a Comment