HEAT TINUSTA NI TATUM, CELTICS

WALONG 3-pointers at season-high 49 points ang ipinutok ni Jayson Tatum sa panalo ng Boston Celtics laban sa Miami Heat, tungo sa 134-121 victory, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa TD Garden sa Boston.

Ito ang ikatlong 40-point game ng All-Star player ngayong season at patuloy na nangunguna bilang league’s top-rated offense at sa maagang MVP race sa kanyang sixth NBA season.

Ang Boston, may shooting 55% (46-for-83), ay nakakalimang sunod nang panalo, 14 sa huling 15 games.

Si Tatum ang pumukol sa unang six points ng Celtics at may 41 points matapos ang three quarters, gamit ang kanyang offensive repertoire, umiskor sa labas at nakakalusot patungo sa basket.

Tumapos siyang may 15-of-25 sa field, 8-of-12 sa 3-point range at 11-of-12 sa free throw line, bukod sa 11 rebounds.

Top scorer para sa Heat si Max Strus, 23 points kabilang ang limang 3-pointers. Nagdagdag si Bam Adebayo ng 23 points bago na-eject sa closing second sa magkasunod na technical fouls.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Biyernes sa TD Garden pa rin.

BOOKER BUMIDA
SA SUNS VS BULLS

MAHIGPIT ang naging depensa kay Devin Booker ng Chicago Bulls, pero nagawa niyang mailusot ang ilang mid-range jumpers. Sinundan pa ng isa, dalawa, tatlo at higit pa.

Hanggang halos maging ‘night show’ na ng Suns All-Star guard ang court.
Maya-maya pa, nakakolekta si Booker ng season-high 51 points sa loob ng three quarters, nang itala ng Phoenix ang 132-113 panalo, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa Arizona.

Nagdagdag si Deandre Ayton ng 30 points at 14 rebounds sa Phoenix, pinahaba ang winning streak sa six games.

Umiskor si Booker ng 25 points sa first half at 26 sa third, kasama ang 10-of-11 shooting.

Pagkatapos ng contested 3-pointer, ang “MVP! MVP! chants ng fans ang pumuno sa loob ng Footprint Center para sa 26-years old player.

Bukod sa 51 points, mayroon din siyang six assists at four rebounds.

Hindi na lumaro si Booker sa fourth, matapos lumobo ang kalamangan ng Suns.

May best record ang Suns sa Western Conference, 15-6 at wagi ng 12 out of 13 home games.

Si DeMar DeRozan ay may 29 points at 21 kay Zach LaVine para sa Chicago.

SIXERS TINAMBAKAN
NG CAVS

SINAMANTALA nina Caris ­LeVert, may 22 points (off the bench) at Darius Garland (21 points at nine assists) ang bentahe ng kanilang teritoryo upang tambakan ang ­Philadelphia 76ers, 113-85, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila).

Nagdagdag si Donovan ­Mitchell ng 18 points at six assists para sa Cleveland, lumamang ng season-high 33 points sa fourth quarter.

Ang Cavaliers ay 9-1 sa Rocket Mortgage FieldHouse, third-best home mark sa NBA.

Naputol ang three-game win run ng Philadelphia, pinangunahan ni All-Star center Joel Embiid, 19 points, six rebounds at six assists, habang si Shake Milton, 14 points.

Unang laro ito ng three-game trip ng Sixers.

Nagposte ang Cleveland ng multiple 30-point leads sa second half, bago tuluyang itinulak sa 109-76 buhat sa 3-pointer ni LeVert.

May six rebounds at four assists din si LeVert. Umiskor naman si Even Mobley ng 16 first-half points at humablot ng eight rebounds.

Ang 76ers ay nagwagi ng limang sunod laban sa Cleveland.

Wala sa lineup ng Cavaliers sa ikatlong sunod na laro si All-Star center Jarrett Allen sanhi ng low back bruises.

Nagtala ang Cleveland ng 44 points sa second quarter, kapos ng dalawa sa franchise record, tungo sa 69-48 advantage palapit sa break. Si Mobley ay 8-of-10 sa field sa first half, nagawang ma-outplay si Embiid.

WIZARDS SINILO
NG NETS

SINIKWAT ng Brooklyn Nets ang ikatlong sunod na panalo via 113-107 kontra Washington Wizards, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa New York.

Umiskor si Kevin Durant ng 39 points, 13-for-20 sa field at naipasok lahat ng kanyang 11 free throws sa 37-minute game, matapos magtala ng season-high 45 points noong Lunes sa Orlando.

Nagsumite si Kyrie Irving ng 27 puntos at 14 kay Joe Harris.

Nakakalimang panalo na @ home ang Brooklyn.

Si Kristaps Porzingis naman ay nag-ambag ng 27 points at 19 rebounds para sa Washington. Sinundan nina Bradley Beal at Kyle Kuzma, tig-25 points sa ikaapat na talo ng Wizards sa huling five games.

Angat lamang ng tatlo ang Nets sa simula ng fourth quarter bago kumamada ng 11-5 run, kahit nasa bench si Durant.

Na-extend ang lead ng Nets sa 88-81, 8:54 sa laro mula sa 3-point play ni Irving. Kasunod nito, humirit ng 3-pointer tungo sa 93-84 count.

Naging five-point game nang magsalpak si Jordan Goodwin ng dalawang free throws para sa ­Wizards.

Sa huling 2:15, nagsagawa ang Brooklyn ng 10-4 spurt na tinapos ng ikalawang 3-pointer ni Irving para sa 105-94 lead ng Nets.

CLIPPERS SILAT
SA JAZZ

TINAPOS ng Utah Jazz ang five-game losing streak nito sa ­pangunguna ni Fil-Am Jordan Clarkson, may season-high 33 points at five assists, nang talunin ang Los Angeles Clippers, 125-112, Miyekoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa Salt Lake City.

Tumulong kay Clarkson si Collin Sexton, 21 points, six rebounds at six assists. Habang nag-ambag si Lauri Makkanen ng 23 points at nine rebounds. May 14 points at 12 boards naman si Jarred Vanderbilt.

Ang ‘efficiency’ sa opensa ang tumulong sa Jazz para umalagwa sa fourth quarter, kung saan nakapaglista ng 55% shooting sa field, habang may 14 3-pointers at 52 points scoring sa paint.
Tumapos naman si John Wall na may season-high 26 points (off the bench) habang nagsumite si Reggie Jackson ng 15 points para sa Los Angeles, natalo sa kabila nang pag-outscore sa Utah, 65-22 (bench points).

Ang short-handed Clippers ay nakakatatlong talon a sa five games.

Binura ng Clippers ang double-digit deficit via 12-0 run sa second quarter at kinuha ang 45-43 lead mula sa tip-in basket ni Ivica Zubac.

Bumato ng baskets si Clarkson sa tatlong sunod na posesyon at ibinalik sa Jazz ang lead.

Naka-counter naman ang Los Angeles ng 9-0 run, mula sa back-to-bacl baskets ni Wall tungo sa 60-56 lead sa final minute bago halftime.

Nabawi ng Utah ang lead buhat sa 22-6 run at hindi na pinakawalan pa sa third quarter. Gumuhit si ­Sexton ng back-to-back sa pagsisimula ng 11 sunod na posesyon, at ang 90-76 abante.

Sa iba pang games result: LA Lakers 128, Portland TrailBlazers 109; Sacramento Kings 137, Indiana Pacers 114; Milwaukee Bucks 109, NY Knicks 103; NO Pelicans 126, Toronto Raptors 108;

Atlanta Hawks 125, Orlando Magic 108; Minnesota Timberwolves 109, Memphis Grizzlies 101; OC Thunder 119, SA Spurs 111; Denver Nuggets 120, Houston Rockets 100. (VT ROMANO)

37

Related posts

Leave a Comment